Friday , May 27 2022
Loiegie Dano Tejada Ms Ls Beauty

Bagong beauty and wellness product inilunsad

MA at PA
ni Rommel Placente

MATAGUMPAY ang katatapos na grand launching ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation’s The Product Show  na pinangunahan ng CEO & President nitong si Loiegie Dano Tejada kasama ang mga business partner na sina Leslie Tobia Intendencia, Alfredo Cristobal II, Jose Mari Babasa, Gerry DeVera Gascon, at Benjardi Ante Raguero.

At kahit 2 months pa lang ang Ms L’s Beauty and Wellness Corporation, napakabilis ng paglago nito at lalong dumami ang mga taong tumatangkilik sa kanilang mga produkto na 1,000 plus na ang kanilang distributors.

Priority ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation ang maging healthy ang lahat ng Pinoy mula sa mga bata, teenagers, at senior citizen. Layunin naman nilang kumita,umasenso, at gumanda ang buhay ng kanilang mga distributor.

Ilan sa mga produkto ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation na malaking tulong sa magandang kalusugan ng bawat Pinoy ay ang Bihaku Slimming and Whitening Capsule, Ketodiet Slimming and Whitening Juice, Insulin Instant Coffee Mix Drink, Barley Slimming and Whitening Juice Drink and Rejuvinating Set.

Sa ngayon ay wala pang balak kumuha ng celebrity endorser ang Ms L’s Beauty and Wellness Corporation dahil mas gusto  nilang bigyan ng pagkakataon ang kanilang mga distributor na maging ambassador ng kanilang produkto.

Pero if ever, napupusuan nila sina Marian Rivera, Kathryn Bernardo, at Liza Soberano.

Sa 2022 ay makikita na ang naglalakihang billboards ng  Ms L’s Beauty and Wellness Corporation sa  Luzon, Visayas, at Mindanao at abangan ang mga bagong produkto na kanilang ilalabas.

At para sa mga interesadong maging distributor ng mga produkto nila bisitahin lang ang kanilang social media account.

About Rommel Placente

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …