Wednesday , August 10 2022
Carmina Villaroel Zoren Legazpi

Carmina ibinuking ang pagkakaroon ng mistress ni zoren

INIHAYAG ni Carmina Villaroel na mayroong siyang “karibal” sa atensiyon ng kanyang mister na si Zoren Legaspi.

Sa Zoom mediacon ng Stories From the Heart: The End Of Us, si Zoren na mismo ang nagbisto ng “third party” sa kanilang relasyon.

“‘Yun ‘yung third party namin: bisikleta at motor,” pahayag ni Zoren patungkol sa kaniyang libangan.

Ayon kay Carmina, hindi niya gustong magmotor ang kanyang mister dahil sa panganib nito.

“Ayoko talagang nagmomotor [siya] dahil delikado…Wala akong kalaban-laban sa ‘mistress.’ Mahal niya eh,” anang aktres.

Batid ni Zoren na kinakabahan ang kanyang misis sa kanyang libangan pero hindi naman siya mapagbawalan nito.

“Si Mina, hindi siya masaya kasi nerbiyosa. Isang tingin sa ‘kin ‘pag naka-motorcycle gear, I think it’s mental torture ‘pag nagmo-motor ako…Wala eh mahilig ako mag-motor eh,” ani Zoren.

Ayon kay Carmina, hindi sa wala siyang tiwala sa kanyang asawa, pero hindi siya nagtitiwala sa ibang sasakyan na makakasabayan ng aktor sa kalye.

“I’m trying my best not to live in fear. Nagdadasal na lang ako,” anang aktres. ”I don’t want to stop him. That’s his happiness. If hindi siya magiging maligaya, hindi siya magiging masaya sa bahay. 

“I’m trying to understand but I don’t think I can accept his ‘mistress,’” patuloy ni Carmina.

Ayon sa dalawa, bagama’t ideal couple ang tingin sa kanila ng ibang tao, tulad ng iba ay nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan.

“Hindi mawawala ang bagyo [sa pagsasama ng mag-asawa]. Dadaan ang isang marriage sa isang bagyo or dalawa or tatlo or apat…’Pag mayroong pagmamahalan kasi ‘yung bagyo na ‘yun is just a phase,” ani Zoren.

“Nandoon ‘yung respeto and pagmahahalan. Yes, we fight  but na iron ‘yung mga bagay-bagay. We make sure we talk about it,” pahayag naman ni Carmina.

Bukod sa tiwala at pagmamahal, sinabi ni Carmina na kailangan din sa mag-asawa ang pang-unawa, panalangin, at respeto.

 (ROMMEL GONZALES)

About Rommel Gonzales

Check Also

Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Thankful sa tiwala ni Rhea Tan 
ZEINAB HARAKE HAPPY & HONORED MAPABILANG SA BEAUTEDERM FAMILY

ni Glen P. Sibonga IPINAGMAMALAKI ng sikat na celebrity vlogger, influencer, at social media star …

Maid in Malacanang Showing

Maid in Malacanang dagsa ang nanonood

COOL JOE!ni Joe Barrameda BONGGA ang Maid in Malacanang huh.  Hindi pa man nagbubukas ang mga sinehan …

Isko Moreno Domagoso Family Paris

Yorme Isko muntik mabudol sa Paris

COOL JOE!ni Joe Barrameda MAY kumakalat na tsismis na kesyo nabugbog daw ang dating Manila …

Maja Salvador Joey Marquez Oh My Korona Ricky Victoria

Maja kay Joey naman makikipagbarubalan

COOL JOE!ni Joe Barrameda I am so proud of Maja Salvador. Multi-talented talaga siya. Ngayon sa …

Sharon Cuneta Cherie Gil

Sharon ‘nawala’ sa sarili nang pumanaw si Cherie

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG  close si Sharon Cuneta kay Cherie Gil.  Kaya naman labis ang pagdadalamhati …