Saturday , April 1 2023
Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding Ring

Carla ‘di pa magagamit ang surname ni Tom

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGBIGAY ng pahayag si To Have And To Hold actress Carla Abellana kung bakit sa susunod na sampung taon ay hindi pa niya maaaring gamitin ang apelyido ng mister niyang si Tom Rodriguez.

Sa bagong video sa kanyang YouTube channel ay ibinahagi ng aktres na hindi pa nare-release ang kanilang marriage certificate at ang kanyang passport na kaka-renew pa lamang at ang iba pa niyang mga papeles at dokumento ay Abelana pa rin ang  apelyido.

“None of my IDs say Mott [Tom’s real surname]. 

“For the longest time, it’s going to stay Abellana because my passport says Abellana and it’s valid for ten years. Bagong-bago lang ang aking passport. Kaka-renew lang so Abellana pa ‘yun for the next 10 years. 

“All my government-issued IDs are still Abellana so I have to write Abellana pa rin,” pahayag ni Carla.

Maging ang kanyang mga social media accounts ay ang apelyido pa rin niyang Abellana katulad ng iba pang mga female celebrities na ikinasal na o kakakasal pa lamang kamakailan tulad nina Solenn Heusaff, Jennylyn Mercado at iba pa.

Kung female lead si Carla sa To Have And To Hold ng GMA (along with Max Collins at leading man Rocco Nacino), si Tom naman ay isa sa mga bida sa The World Between Us kasama nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

About Rommel Gonzales

Check Also

Coco Martin

Coco ilang beses na-reject noon ng ABS-CBN dahil sa pagiging bold actor

RATED Rni Rommel Gonzales REBELASYON ang kuwento ni Coco Martin sa premiere ng Apag na noong mga panahong ginawa …

Avon Rosales

Avon Rosales umalis na sa Viva

MATABILni John Fontanilla NILISAN na ng singer na si Avon Rosales ang Viva Entertainment at nasa pangangalaga na ng ARD …

David Licauco

David Licauco balik-wholesome

MATABILni John Fontanilla HIHINTO na raw sa paghuhubad sa telebisyon, pelikula, stage at sa mga …

Maja Salvador Rambo Nuñez Marvin Agustin

Beach wedding nina Maja at Rambo pinaghahandaan na

HARD TALKni Pilar Mateo SA taong ito na nga lalagay sa tahimik ang aktres na …

Marvin Agustin COCHINILLO

Marvin itutuloy pagiging hari sa pagluluto

HARD TALKni Pilar Mateo COCHINILLO! Lechon ‘yun. Maliit lang. Ang crispy. Kaya ang panghiwa nga, …