Friday , January 21 2022
Isko Moreno Joven Tan

Yorme: The Isko Domagoso Story ‘di pang-election campaign

I-FLEX
ni Jun Nardo

ITINANGGI ni presidentiable Manila Mayor Isko Moreno na ginawa ang pelikulang Yorme: The Isko Domagoso Story na election campaign ng kandidatura niya.

“Bago pa man ang pandemic, eh sinimulan na ito. Wala pa akong deklarasyon sa kandidatura ko.

“Natigil nang magkaroon ng pandemic. Nang gumaan ang sitwasyon, tinapos ito ni direk Joven (Tan). Boses ko lang ang naririnig sa trailer. Hindi ako producer ng movie,” pahayag ni Yormer sa kanyang solo presscon with the entertainment press.

Isang musical ang Yorme mula sa Sarangola Media Productions at ipalalabas sa sinehan sa Miyerkoles, Disyembre 1.

Tatlong henerasyon ng buhay ni Isko ang ilalantad sa movie mula bata hanggang sa pagiging Mayor niya ng Maynila.

Gaganap si Raikko Mateo bilang batang Isko na basurero sa Tondo, si MCcoy de Leon bilang teenager na Isko na naging That’s Entertainment member, at Xian Lim bilang adult Isko.

Huwag umasa na masisilip ang lovelife ni Yorme sa movie dahil sey niya, ”Hindi ako kiss and tell! Ha! Ha! Ha!”

About Jun Nardo

Check Also

FDCP Film Talks Batangas Forum Doon Po Sa Amin Pride

Batangas forum at FDCP nagdaos ng filmmaking workshop series para sa mga Batangueño

MULA sa Batangas Forum for Good Governance and Development Association, Inc. (BF), sa tulong ng Film Development Council of …

Bianca Umali Ysabel Ortega Johnny Manahan Mr M Gabbi Garcia Sanya Lopez Khalil Ramos Derrick Monasterio Miguel Tanfelix Ruru Madrid

Bianca, Ysabel, Gabbi, Sanya, Khalil, Derrick, Miguel, at Ruru tiyak ang pag-sparkle ng mga career

RATED Rni Rommel Gonzales SA ginanap na media conference ng Sparkle’s next brightest stars for 2022, nagbigay …

Alden Richards Allan K

Alden at Allan nahawa sa EB ang pagiging matulungin

RATED Rni Rommel Gonzales SA pag-renew ng kontrata ng Eat Bulaga sa GMA Network kamakailan, binalikan ni Alden Richards ang mga …

Yorme Isko Moreno Xian Lim Mccoy de Leon Raikko Mateo

Yorme sa Jan 21 na mapapanood sa mga streaming platform

I-FLEXni Jun Nardo KUMAMBIYO ang producer na Saranggola Media Productions na ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang Yorme: …

Jessica Soho

Jessica Soho makikipagharap sa mga presidential aspirant

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang unang pagharap sa interview ng presidential aspirants na magaganap …