Thursday , April 18 2024
Beatrice Luigi Gomez Kate Jagdon

Kate kinompirmang hiwalay na sila ni Beatrice

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MATAGAL nang nababalitang hiwalay na si 2021 Philippines Miss Universe Beatrice Luigi Gomez sa girlfriend niyang si Kate Jagdon, kilalang DJ at negosyante sa Cebu City at pitong taon na sila.

Walang official statement na ibinibigay si Beatrice dala siguro ng sobrang busy nito sa training dahil malapit na ang competition, sa Disyembre 12, 2021 sa Eliat, Israel.

Pero nagpahayag pa ng kanyang pagmamahal si Beatrice kay Kate sa nakaraang guesting nito sa Magandang Buhay noong ikalawang linggo ng Oktubre.

Aniya, ”To Kate, I love you so much! And you know that you’re the reason why I was able to come out of my shell. You pushed me way pass my limits and you believe in me even when I did not believe in myself. So, thank you so much for doing that and you know how much I love you!”

At marahil hindi na nakapaghintay si Kate kaya siya na mismo ang nagsabing hiwalay na sila sa kanyang IG story ngayong araw pero hindi na nito sinabi kung kailan nangyari ang break-up.

“These past few weeks have been the most difficult time of my personal life. It was a conscious decision to keep quiet, after all, this is a personal matter and I chose my privacy above everything else.

“I don’t want to say anything more that fits anyone’s situation. This statement will be short before rumors and falsifications get out of hand.

“Bea and I parted ways. I am simply taking this step to move forward and go on with my life. Nothing more.

“I can’t thank my family and friends enough for holding my hand during this difficult time and I know you will continue to do so as I take the road to healing.

“We all go forward with love and respect and I wish Bea the best of luck in her journey.  

 ”At this moment, please respect my privacy and this will be the last time I will address the issue. Thank you.”

May naunang post din si Kate na pinasalamatan niya ang lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

“To the people in my life who bring me joy, support and countless smiles. A big thank you! @yourevilsister.”

Ayon sa follower niyang si @all.about.ubec, ”Someday you will thank all the things that happened to you today because GOD reserves something/someone better, much better for you.. You deserve to be happy. Please allow yourself.”

About Reggee Bonoan

Check Also

Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Hajji never pang nabastos ng mga batang celebrity

HINDI pa raw nakaranas si Hajji Alejandro na may nakababatang celebrity na bastos o walang respeto. “Kasi …

Streetboys

Streetboys, Manoeuvres, UMD magsasama-sama sa isang concert

RATED Rni Rommel Gonzales NASA Pilipinas ngayon si Spencer Reyes, ang sikat na dancer na member …

Ina Raymundo Will Ashley Adolf Alix Jr

Will itinodo acting sa intimate scenes kay Ina

HARD TALKni Pilar Mateo X & Y.  Sa alphabet kahit nasa dulo, powerful na mga letra. Ginagamit …

Lipa Batangas

Lipa City dinaragsa ng mga turista

DINARAYO ngayon ang Lipa City dahil sa kanilang mga tourist spots at dahil na rin …

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …