Monday , August 15 2022
Jeffrey Hidalgo Angeli Khang

Jeffrey Hidalgo sumabak na rin sa pagdidirehe ng bold

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SPEECHLESS kami sa trailer ng bagong erotic drama movie ng Viva Films na Eva na idinirehe ng singer/actor Jeffrey Hidalgo na pinagbibidahan ng Vivamax K-Krush na si Angeli Khang dahil malayo ito sa unang pelikulang idinirehe nito, ang Silong na ipinalabas noong 2015.

Kilalang mang-aawit at aktor na wala naman kaming nabalitaang gumawa ng pelikulang super sexy na tulad nitong Eva si direk Jeffrey kaya nakaka-shookt talaga.

At inamin din naman niyang nanibago siya, “Medyo nanibago at the same time, my first film was a romantic thriller medyo sexy pero ‘yun nga hindi pa nagbo-boarder on erotic (natawa) pero ito talaga, tumodo na kami ni direk Dennis ha, haha.

“’Yun nga this film, the idea really came from me. I wanted to do a film that would tell the story of sex life of our regular kasambahay and then nanganak ng nanganak ‘yung story with direk Dennis writing the script and the story at the end of the day became our story, sana magustuhan ninyo, he, he he.”

Matagal na naming kilala si Jeffrey, Smokey Mountain days pa at lagi naman kaming napapasama sa mga pa-event noon ng Backroom, Inc. hanggang sa nakapatapos siya ng kolehiyo sa kursong Chemical Engineering at top 11 sa board exam kaya tuwang-tuwa noon ang mommy niya na sumasama sa kanya.

Nagagamit naman ng singer/actor at direktor ang kurso niya dahil may negosyo siyang may kinalaman dito, pero malakas ang kaway ng showbiz industry kasi nga rito naman siya nagsimula.

Tulad nga ng sagot ni Jeffrey sa online mediacon ng Eva nitong Miyerkoles ng tanghali ay nagpapasalamat siya sa actors niya dahil pinagkatiwalaan siya sa sensitive scenes.

“Before we shot, online lang naman ‘yung mga workshop namin and more than anything, what I’ve love about them is napakadali nilang katrabaho and they’re very willing to learn and they’re really listen to me. Kaya nag-enjoy talaga kami sa aming shoot, sana nag-enjoy din sila..

“And since medyo risky ‘yung ating pelikula, natuwa ako dahil they really trusted me and I hope that they felt that I was really taking care of them while we were shooting the whole film especially all those medyo sensitive scenes,” pahayag pa ni direk Jeffrey.

No offense sa ibang direktor na nakagawa na rin ng erotic movies, para sa amin ay super safe ang mga artista ni Jeffrey kapag siya ang direktor.

Kaya namin ito nasabi ay dahil parang napi-picture pa rin namin sa kanya ang dating miyembro ng Smokey Mountain band na wholesome hanggang sa lumaki, marespeto at hindi namin naringgan ng mga salitang bulgar kapag nakakasabayan namin sa mga premiere night noong wala pang pandemya na mahilig  magbigay ng komento tungkol sa mga pelikula.

Para siyang sina direk Paul Soriano at Yam Laranas na walang maririnig na negatibo o pagmumura.

Puring-puri ni Jeffrey ang mga baguhang artistang katrabaho niya sa Eva dahil magaan at masunurin. Hindi nga niya naisip na mga bago pala sina Angeli, Sab Aggabao, Marco Gomez, Ivan Padilla, Angelica Cervantes, at Quinn Carillo.

“I think the most important thing is they trusted me and kung anong ipagawa ko sa kanila ginagawa lang nila no questions asked (at) kung may question sila, nae-explain ko naman ng mabuti kaya I guess kahit medyo maselan ‘yung eksena ginawa pa rin nila for me (natawa).

“I just had to explain to them kung ano ‘yung visuals and stuff and siyempre pagdating doon sa character ini-explain ko rin sa kanila unti-unti para mas makita nila ‘yung lalim ng script na ginawa ni direk Dennis Marasigan,” kuwento pa ng direktor.

At bilang direktor ay nakitaan niya ng malaking potential si Angeli na nakita rin ng Viva boss na si Vic del Rosario dahil ang first lead role niyang Mahjong Nights ang number 1 ngayon sa Vivamax kaya sinundan kaagad ng Eva.

Dagdag ni Jeffrey, “I’d really love to work with her again sa future projects.”

Anyway, kilalanin si Eva at ang makasalanan niyang mundo na mapapanood sa Vivamax sa Disyembre 24, 2021.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.

About Reggee Bonoan

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

Bulacan, kaisa sa paghubog ng mga lider para sa susunod henerasyon

BILANG PAKIKIBAHAGI sa bansa sa obserbasyon ng Linggo ng Kabataan 2022, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan …

arrest posas

Kumagat sa pain
TULAK TUWING MADALING ARAW TIMBOG SA PARAK

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy …

prison rape

Lolong manyakis naihoyo sa Zambales

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang matandang lalaking may kasong panggagahasa sa inilatag na manhunt …

Dalagita nasagip sa cybersex den 3 suspek arestado

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang isang babaeng menor de edad mula sa isang cybersex den …

Road Expressway

Para sa mas mabilis na biyahe
CAVITEX C5 LINK FLYOVER EXTENSION BINUKSAN NA 

INIANUNSYO ng Toll Regulatory Board (TRB) ang grantor ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP) kasama …