Monday , December 6 2021
Alden Richards

Alden lalong naging ‘delicious’ sa bagong hitsura

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA trailer ng The World Between Us ay pinag-usapan ang Alden 2.0 o ang new look ni Alden Richards dahil successful na si Louie Asuncion, ang karakter niya na mistulang isang high class male model.

Paano ba na-achieve ni Alden ang naturang look?

“Actually majority of the look dito, akin talaga, gamit ko. Ganoon ako ka-invested dito sa show na ‘to, as in I really committed myself to it. Sabi ko  kahit anong puwede kong maitulong, I will do it.

“So na-commit ko ang sarili ko, to slimming down, to look the character, to give justice to the transitions, kasi three-year transition siya eh, isang 2011, 2017 to 2021.

“So talagang pinagtuunan ko siya ng pansin. And siguro nakatulong din ‘yung lock in tapings since nagkaroon talaga ako ng oras to really focus on it.

“At hindi lang naman ako eh, lahat kami rito nag-exert ng effort kasi ang laking factor sa show ‘yung changing your look, so everyone of us did our part in that aspect.

“And character-wise rin inangkop lang namin ‘yung characterization sa kung anuman ‘yung pinagdaanan ng characters namin during the airing and the comeback namin.

“Mahirap pero ang sarap kasi niyang panoorin, nakaka-proud  na ‘yung pinaghirapan mo ay may pinuntahan.”

Bukod kay Alden, tampok din sa The World Between Us sina Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, Jaclyn Jose, at Ms. Dina Bonnevie. Ito ay idinirehe ni Dominic Zapata.

May mahahalagang papel din sa The World Between Us sina Sid Lucero, Kelley Day, Yana Asistio, Jericho Arceo, at Donn Boco.

About Rommel Gonzales

Check Also

James Reid Nadine Lustre Jadine Ikea

Career nina James-Nadine mag-survive kaya kahit hiwalay na?

HATAWANni Ed de Leon NAKITA sina James Reid at Nadine Lustre sa isang shop noong isang araw, pero maliwanag namang hindi sila magkasama. …

Albie Casino, Andi Eigenmann, Jake Ejercito

Albie milyon ang nawala dahil kay Andi

MA at PAni Rommel Placente NAIINTINDIHAN na namin kung bakit hanggang ngayon ay galit at …

Isko Moreno, Yorme The Isko Domagoso Story

Yorme: The Isko Domagoso Story sa Jan. 26 na mapapanood

MAPAPANOOD pa rin sa mga sinehan ang musical bio-flick ni Manila Yorme Isko Moreno na Yorme: The Isko …

Marian Rivera Beatrice Luigi Gomez

Marian Rivera hurado raw sa Miss Universe 2021?

I-FLEXni Jun Nardo TIKOM pa ang bibig ng GMA Network at Triple A management team ni Marian Rivera, kaugnay …

Bong Go Willie Revillame

Willie nalungkot sa pag-atras ni Go

FACT SHEETni Reggee Bonoan INANUNSIYO na ni Sen. Bong Go na iniaatras na niya ang kandidatura sa pagka-Presidente ng Pilipinas. …