Wednesday , August 10 2022
Joed Serrano

Joed Serrano isusulong ang karapatan ng mga ka-uri

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

NAG-FILE na rin ng kanyang CoC ang aktor-producer-philanthropist at openly gay na si Joed Serrano.

Inusisa ko naman siya kung bakit bigla siyang nagdesisyon na sumalang na rin sa politika.

“Noong maikuwento sa akin ng kaibigan kong bakla na pinag-iwanan siya ng isang baby ng pabayang mag-asawa & inalagaan, minahal, pinalaki niya ito na parang tunay na anak.

“Tapos after 5 yrs. kinuha na lang bigla sa kanya ng ina. Halos mabaliw ang bakla sa pagka-miserable. May puso at damdamin kaming mga bakla. 

“So, nais kong gamitin ang boses at kakayahan ko para maisulong ang karapatan naming mga uri. 

“At nais ko ring mapagkaisa ang bayan. Tama na ang iba’t ibang kulay na naghahati sa mga Filipino. 

“Dilaw, pula, asul, puti, pink, green. Gawin nating isa ang lahat ng ‘yan. RAINBOW COLOR is the new color of Unity & Equality.. time to be recognized. Time to get out. Time to be heard kaya, Lets Get Loud & Let the GAY begin sa senado!”

Bukod sa Universe, mabulabog kaya ang Senado sa presence ni Joed sa sandaling maluklok ito sa tinatarget na posisyon?

Ang Senado ang kapulungang tagapaglagda ng mga batas sa ating bansa.

Bukod sa mga nasabi na niya, ano-ano pa kayang mga batas ang maipanunukala ni Joed sa sandaling maluklok siya sa sangay na ito ng ating pamahalaan?

About Pilar Mateo

Check Also

Jerome Ponce Sachzna Laparan Maid in Malacanang

Sa panonood ng katapat nilang pelikula
JEROME SINUSUPORTAHAN LANG ANG PELIKULANG FILIPINO 

HATAWANni Ed de Leon KINUHA nila si Jerome Ponce sa isang indie film tungkol sa martial law. …

Marlo Mortel

Marlo mas gustong tutukan ang pagkanta

MA at PAni Rommel Placente NOONG Lunes, ginanap ang grand launch ng bagong streaming application …

Jane de Leon Darna

Sa paglipad ni Darna sa Agosto 15
JANE KINAKABAHAN AT EXCITED

MA at PAni Rommel Placente FINALLY, sa August 15 ay mapapanood na sa Kapamilya channel A2Z at TV5 ang bagong action/fantaserye …

Nic Galano In the Nic of Time

Nic Galano, kaabang-abang sa In the Nic of Time sa Music Box sa Aug. 11

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG guwapitong Pride of Ilagan City na si Nic Galano …

Zeinab Harake Rhea Tan Beautederm Koreisu Family Toothpaste Etré Clair

Zeinab ipinagmalaki ang fresh breath dahil sa Beautéderm, grateful kay Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BAKAS ang kagalakan kay Zeinab Harake dahil siya ang buwena …