Saturday , November 27 2021
Ping Lacson, Ping Lacson Super Cop, Task Force Habagat, 10000 Hours

Movie ni Ping Lacson namamayagpag sa YT

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA si Presidentiable aspirant Ping Lacson sa maraming pelikulang nagawa ukol sa kanya. At dahil tatakbo siyang pangulo sa May 2022 elections, marami ang naghahanap sa Youtube ng pelikula ukol sa kanya. Dalawa ang tungkol sa buhay niya bilang pulis, ang Ping Lacson: Super Cop at Task Force Habagat at ang isa ay noongsenador siya, ang 10,000 Hours.

Kaya hindi nakapagtataka kung marami ang testimonials tungkol sa pagiging mahusay na pulis ni Ping na nagpabalik noon sa tiwala ng mga tao sa PNP nang maging Chief PNP siya. Iisa rin ang sinasabi ng mga kidnap victim na sinagip ni Ping at ng grupo niya, hindi niya tinatanggap ang iniaalok na pera ng pamilyang sinagip niya bilang pasasalamat. Ang katwiran ng senador, ginagawa lang nila ang trabaho nila. Ito rin kaya ang rason niya kung bakit hindi siya siya tumatanggap ng pork barrel funds nang maging senador?

Kabilang sa mga nagpatotoo niyan ay sina Ruiz Saez-Co at Robina Gokongwei, na kidnap victims at si Kathryn Bellosillo, nanay ng mga batang nakidnap din. Na-interview pa nga si Kathryn sa podcast ni Matteo Guidicelli na Mattruns.

Parang eksena naman sa pelikula nang ikuwento ni Robina kung paano siya sinagip ni Ping at ng grupo nito. Bigla raw pumasok sa kuwarto si Ping na nakaputing kasuotan kaya tinawag niya itong, White Knight.

Sabi naman ni Teresita Ang See, anti-crime NGO, namayagpag  noon ang kidnapping dahil walang tiwala ang pamilya ng mga biktima sa pulisya. Pero nag-iba na ang istorya nang si Ping na ang nakapuwesto.

Kaya kung mananalong pangulo si Ping at matatakot ang mga kriminal at adik, at mawawala ang korapsyon, tiyak bobongga ang negosyo na kailangang-kailangan natin ngayon. Malay natin, baka may pang-apat na movie pa tungkol sa kanya.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda VAX GANDA USA TOUR

Vice click pa rinsa US, Vax Ganda USA TOUR may part 2

HARD TALK!ni Pilar Mateo UNKABOGGABLE pa ring maituturingangisang Vice Ganda! At ibang klase rin siyang …

Baron Geisler Doll House

Baron biggest break ang pagganap na rock star na adik

HARD TALK!ni Pilar Mateo KUNG ilang lata rin ng canned tuna ang nakita ng actor …

Angel Locsin

Angel bumweltasa basher: Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan

MA AT PAni Rommel Placente NAG-POST si Angel Locsin ng kanyangreaksiyonsa Instagram post ng ABS-CBN  …

Cassy Legaspi

Cassy nagbabala, Facebook account na-hack

MA AT PAni Rommel Placente BIKTIMA narin ng hacker si Cassy Legaspi. Angkanyang Facebook account …

Jessica Soho John Lloyd Cruz

John Lloyd sa El Nido nakahanap ng kanlungan

RATED Rni Rommel Gonzales SA one-on-one interview ni Jessica Soho, inihayag ng balik-Kapusongsi John Lloyd …