Wednesday , July 24 2024
Shido Roxas
Shido Roxas

Shido Roxas, pabor na mga bakunado muna ang payagang makanood ng sine

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY mga panukala na sakaling bubuksan na ang mga sinehan, mga bakunado muna ang payagang makanood. Plano kasing buksan na ang mga sinehan bandang November, ito ay subject sa approval siyempre ng IATF.

Nang nakahuntahan namin recently si Shido Roxas, inusisa namin siya sa kanyang pananaw sa usaping ito.

Esplika ng aktor, “Yeah, agree po. Ganyan din ang perspective ko this year. While there’s no way to totally alleviate covid, the least we could do is to only permit movie patrons who are fully vaccinated. This has been the practice in both developed and other developing countries as well.”

Kumusta na siya ngayon? Naiinip na ba siya sa tagal ng pandemic?

“Nagpapasalamat ako at mabuti naman ang health ko at ng pamilya ko. Fully vaccinated na kami lahat, pero tulad ng nakararami, nangangamba dahil sa mas malala at nakahahawang covid variant,” lahad ni Shido.

Aniya, “Medyo naiinip po dahil tigil ang trabaho pero gayonman, mayroon akong ibang activities para maibsan ang boredom at maging productive pa rin. Nabanggit din niya ang pinagkakaabalahan ngayon.

“Bukod po sa pagma-manage ng isang munting farm ay may tinatrabaho ako para sa isang marketing campaign ng isang kompanya. May iba rin pong offers na movie, pero hindi pa rin po tiyak kung kailan, gawa nga po ng pandemya.”

First quarter ng taon nang unang natapos nila ang pelikulang Nelia  hinggil sa mental illness, depression, and anxiety. Mula sa A and Q Productions Films Incorporated, ito’y pinagbibidahan ni Winwyn Marquez. Kasama rin sa pelikula sina Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Dexter Doria, Ali Forbes, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Lester Dimaranan.

Ngayon ay tinatapos naman ni Shido ang pelikulang Caught in the Act ng MPJ Production. Mula sa pamamahala ni Direk Perry Escaño, tampok dito sina Joaquin Domagoso, Andi Abaya, Karel Marquez, Lance Raymundo, Toni Co, Jhassy Busran, Bamboo B., Josh Lichtenberg, Ej Panganiban, John Gabriel, at iba pa.

About Nonie Nicasio

Check Also

Benhur Abalos Perci Intalan

Birthday ni Sec Benhur dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz at politics; Direk Perci sinagot pasaring ni Atty. Topacio

PUNOMPUNO ang EDSA Shangri-la Hotel noong Biyernes dahil mula sa mga kaibigan   sa showbiz at politics …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine nakatulong pagiging palaban sa pagpasok sa Wil to Win

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAPWA magaling na aktres sina Quinn Carillo at Christine Bermas ng Vivamax kaya mula sa  pagpapa-sexy ay …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Nora Aunor Maricel Soriano Alden Richards

Nora, Maricel, at Vilma triple tie for best actress sa 40th Star Awards

ni ROMMEL GONZALES TABLA, yes it’s a tie sina Dingdong Dantes at Alden Richards bilang Movie Actor of the …

Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *