Friday , May 27 2022
Dandel Fernandez Sharjah Chess
Dandel Fernandez Sharjah Chess

Fernandez tumapos ng 3rd overall sa Sharjah chess open

TUMAPOS  si Arena Grandmaster (AGM) Dandel Fernandez ng  3rd overall sa August Classical Tournament 2021 (Sharjah Chess Open Standard Over the Board) na sumulong  mula Agosto 20 hanggang 26, 2021 sa Sharjah Cultural & Chess Club in Sharjah, United Arab Emirates.

Si Fernandez na employee sa Saudi German Hospital Dubai ay tinalo  si Mariam Essa ng  United Arab Emirates tangan ang itim na piyesa  sa 9th at final round para kumulekta  ng 6 points mula 5 wins, 2 draws at 2 loses.

Parehas sila ng  4th placer Nelman Lagutin at 5th placer Abdulrahman Mohammad Al Taher ng United Arab Emirates.

Si  Fernandez ay inalalayan ng kanyang koponan sa kampanya niya sa World Corporate Chess Championship.

Tinanghal na kampeon si  Candidate Master Mohamed Saeed Laily ng United Arab Emirates na nakapagtipon  ng 7.5 points.

Nakakolekta  naman si Woman Fide Master Al Maamari Wafia Darwish ng United Arab Emirates ng 6.5 points para pumuwesto sa  2nd place.

(MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Tank Davis Mayweather Rolando  Romero

 ‘Tank’ Davis huling laban na si Romero sa ilalim ng Mayweather Promotions

DESIDIDO si Gervonta ‘Tank’ Davis na kumalas na sa Mayweather Promotions pagkatapos ng laban niya …

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

Cavite, Caloocan chessers humataw agad sa panimula ng  PCAP online chess tourney

MANILA—Malakas na sinimulan ng Cavite Spartans at Caloocan Loadmanna Knights ang kanilang kampanya matapos magtala …

Philracom Horse Race

2022 PHILRACOM ‘Gran Copa de Manila Cup’ lalarga sa San Lazaro

KINASASABIKAN na ng racing aficionados ang paglarga ng 2022 Gran Copa De Manila na itatakbo …

Chess

Jayag, Molinyawe kampeon sa Marinduque Rapid Chess tourney

PINAGHARIAN nina John Meneses Jayag at Cleiford Kortchnoi Molinyawe ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na …

Ramon Fernandez SEA games

PH squad nirepresenta ni Mon Fernandez  sa Viet SEA Games closing rites

HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’,  nagpaiwan si national team …

Leave a Reply