Friday , July 26 2024

Dating mansion ni Shaq naibenta sa halagang $9 milyon

NAIBENTA  ni Japanese singer Kyosuke Himuro ang dating mansion ni Shaquille O’Neal—na may kumpletong golf simulator at Superman-themed basketball court sa halagang $9 million.

Si Himuro na dating ‘’frontman’’ para sa 1980s Japanese rock band Boowy, nabili kay Shaq ang mansion noong 2004 sa halagang $6.4 million at ito ngang nakaraang araw ay nakalista iyon na ibinenta sa halagang $9.25 million.

Ang compound ay may laking isang acre sa Mulholland Estates, na guwardiyado sa gate, ang paborito ng mga celebrity na neighbor­hood na doon naninira­han sina Tyler Perry, Paris Hilton, Big Sean at Charlie Sheen.

Katulad ng iba pang mansion ni Shaq, ang palm-topped property ay ekstrabagansa.

“Grand archways and built-in aquariums line the living spaces, and the many amenities include a gym, game room, bar, elevator, music studio and plush movie theater with guitars strung along the walls,”  ayon sa ahente ni Shaq.

“The 13,000-square-foot showplace holds seven bedrooms and eight bathrooms, including a primary suite with a private lounge. Recently remodeled for a more contemporary feel, the common spaces include a vast rotunda entry, dining room with painted ceilings and living room with a wood accent wall,”  dagdag pa niya.

Ang basketball court ni Shaq ay niremodel.   Meron ito ngayong Superman logo at NBA MVP.   Ang blue-and-red court ay bahagi ng backyard na may swimming pool, spa, waterfall, dining deck at fire pit.

Si Himuro, 60, ay co-founded Boowy noong 1980s, at ang banda ay nag-released ng anim na studio albums mula 1982 to 1987. Nagrekord din siya ng 12 solo albums na may hit sa katulad ng “Wild Romance” at “Safe and Sound.”

Si Harout Keurog­hlian ng JohnHart Real Estate ang nagrepresenta ng buyer.

About hataw tabloid

Check Also

Man of the World 2024

Man of the World 2024 rarampa na bukas

ni ROMMEL GONZALES GAGANAPIN bukas, Hulyo 26 ang Man of the World 2024 sa Samsung Hall sa …

Jillian Ward Boy Abunda

Jillian sa kumukuwestiyon ng mga naipundar — naka-diaper pa lang, nagwo-work na ako

MA at PAni Rommel Placente SA eksklusibong panayam kay Jillian Ward sa limited talk series na My Mother, …

Gladys Reyes 40th PMPC Star Awards For Movies Maricel Soriano

Gladys sunod-sunod ang natatanggap na pagkilala

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para sa aming kaibigang si Gladys Reyes dahill sunod-sunod ang …

LA Santos 40th Star Awards for Movies

L.A. vindicated sa pagkapanalo sa Star Awards

HARD TALKni Pilar Mateo MARAHIL nga, isang bindikasyon para kay L.A. Santos ang pagka-panalo bilang Pinakamahusay na …

Da Pers Family

Charlene espesyal pagsasama nilang pamilya sa isang sitcom

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Charlene Gonzalez kung ano ang saloobin niya tungkol sa “first” sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *