Thursday , June 4 2026

2 bangkay ng lalaki lumutang sa Malabon City

DALAWANG bangkay ng lalaki na pinaniniwalang nalunod ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Ayon kay Malabon Police Sub-Station 7 head P/Maj. Patrick Alvarado, dakong 6:00 am, nitong Lunes, nang makita ng ilang joggers ang bangkay ni Ernesto Francisco, Jr., 29 anyos, residente sa Bernales II, Brgy. Baritan na nakalutang sa Megadike Riverbank, Brgy. Dampalit.

Ipinaalam ng mga nakasaksi ang insidente kay Ex-O Fernando Ramos, 42 anyos, ng Brgy. Dampalit, na siyang nagreport sa SS7 na nagresponde sa naturang lugar.

Sa pahayag ng ama ng biktima na si Ernesto Sr., kina P/SSgt. Mardelio Osting at P/SSgt. Diego Ngippol, kapwa may hawak ng kaso, madalas umalis ng kanilang bahay ang kanyang anak na walang paalam at nakikipag-inuman kung saan sa Brgy. Dampalit at gabi na kung umuwi.

Dakong 4:00 pm noong 28 Agosto, umalis ang biktima sa kanilang bahay ngunit hindi na nakauwi hanggang matagpuang patay.

Sa isinagawang cursory examination ng mga tauhan ng SOCO, nakitaan ng mga pasa sa ulo at katawan ang biktima.

Dakong 6:00 am, sa Brgy. Potrero, isang bangkay din ng hindi kilalang lalaki na tinatayang nasa 25-30 ang edad, 5’5” ang taas, nakasuot ng shorts at walang suot na damit pang-itaas ang natagpuang nakalutang sa San Miguel Compound sa Industrial Road.

Sa pahayag ng saksing si Gerardo Dueñas, 47 anyos, tug boat operator kina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, kapwa may hawak ng kaso, naglilinis siya ng kanilang tug boat nang makita ang nakalutang na bangkay ng biktima. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Navotas

Mula sa Navotas LGU
Graduates nakatanggap ng financial assistance

NASA 3,776 Grade 6 completers ang nakatanggap ng P500 bawat isa habang may 1,986 Grade …

Arrest Shabu

Sa Muntinlupa
Bebot arestado sa P1.08-M shabu

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang 20-anyos babae na naaktohang nagbebenta ng P1.08-milyong halaga ng …

Fire

Baseco Compound tinupok ng sunog
18-anyos lalaki patay, 85 pamilya apektado

NAG-IWAN ng isang patay habang 85 pamilya ang apektado sa sunog na sumiklab sa Baseco …