Sunday , October 2 2022

Ella tinanggihan noon si Direk Darryl —Tumambling ako 800 times kasi hindi ko kinaya title pa lang

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ANG ganda ng mensahe ni Ella Cruz sa mga mahilig mam-bully o bashers dahil hindi ang sarili nila ang nakahihiya kundi ang magulang nilang nagpalaki sa kanila.

Sa unang face-to-face presscon ng Viva Films para sa pelikulang Gluta na ginawa sa Boteyju Restaurant sa Estancia, Pasig City, ipinahayag ni Ella na, ”Ang message ko sa mga nambu-bully po, sana maisip ninyo, maramdaman ninyo na what you are doing is not good mentally, physically, emotionally sa taong bina-bash ninyo.

“And for sure sa sarili n’yo rin kasi kung gusto ninyong itrato kayo ng maganda tratuhin n’yo rin ‘yung mga taong nasa paligid ninyo (maganda). Sana just spread love and kung mayroon mang hindi maganda sa isang tao, keep it to yourself.

“If you just spread negativity sa mundo, sana ‘wag kasi marami ng negativity sa mundo at sana mahanap mo rin sa sarili mo ‘yung inner peace mo, pagmamahal mo sa sarili mo kasi magre-reflect sa ‘yo ‘yung pagpapalaki ng magulang mo sa ‘yo. Kaya magulang mo ‘yung ipinahihiya mo sa ginagawa mo.”

Naka-relate si Ella sa karakter niya bilang Angel sa Gluta dahil biktima rin siya ng bullying ng mga kaklase niya sa pangunguna naman ni Rose Van Ginkel sa papel na Lovely.

Sa nasabing face to face event ay naikuwento ni Ella na nahusgahan niya si direk Darryl Yap dahil sa mga nababasa niya sa social media tungkol sa mga movie project nito kaya noong inalok sa kanya ang pelikulang Paglaki ko Gusto Kong Maging Pornstar ay tinanggihan niya lalo’t hindi naman niya kilala pa ng personal ang direktor.

Pero noong sinabi ni Boss Vic del Rosario na tanggapin niya ang Gluta na si direk Darryl ang direktor ay napaisip na siya.

“Alam n’yo nakatatawa, isa siguro ako sa unang humusga kay Direk Darryl through his works.

“Nalala ko po noon kasi tinext ako ni Boss Vic. Sabi n’ya, ‘Mayroon akong ibibigay na movie sa ’yo. Sana tanggapin mo. Kay Direk Darryl ‘to.

“Sabi ko talaga, ‘Oh my gosh! Ano ‘to?’ Kasi naalala ko in-offer sa akin ‘yong ‘Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar.’ 

“In-offer sa akin ‘yon tapos tumambling siguro ako mga 800 times kasi hindi ko kinaya title pa lang. Hindi ko na binasa ‘yong script.

”Pinag-pray ko talaga na, ‘God, sana naman hindi ganoong level.’ Kasi ano na talaga, unang word pa lang, no na.

“Noong nagkaroon kami ng Zoom meeting with Direk Darryl, in-explain n’ya, kinuwento n’ya ‘yong pelikula. Hindi na ako nagdalawang isip pa.

“Sabi ko talaga, ‘Direk, kailan natin ‘to iso-shoot? Hindi na ako magpapaalam. Hindi na ako hihingi ng approval ni Mama. Yes na talaga ako for this film. 

“Dahil siguro sa ganda ng message niyong pelikula and iba sa mga gawa ni Direk Darryl, doon talaga ako napa-yes sa movie itself.”

Mapapanood na ang Gluta ngayong Hulyo 2 sa Vivamax mula sa direksyon ni Darryl Yap produced ng Viva Films.

Mapapanood din ang Gluta sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.

 

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply