Thursday , September 29 2022

Jillian Ward, nagbigay ng mensahe at pasasalamat sa kanyang fans

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IBANG
klase talaga ang lakas ng hatak sa fans ng teenstar na si Jillian Ward. Todo-suporta talaga sila sa kanilang idolo, kaya ang mga post ni Jillian sa social media ay sandamakmak ang likes.

Actually, nalaman namin na isa si Jillian sa most followed Filipina actress sa Facebook sa mga bituin ng Kapuso Network. Una ay si Marian Rivera na mayroong 25 million followers. Si Jillian naman ang itinuturing na most followed Kapuso teen star sa FB na mayroon namang 12 million followers.

Kuwento ni Jillian nang maka-chat namin ang magandang teenstar, “Bale ten months lang po at nag-gain po ako ng 11 million followers agad. Kaya sobrang thankful po talaga ako.”

Aniya pa, “Kapag kasama po ang mga taga-ABS CBN, mga top 10 po siguro ako. Pero sa GMA po, ako ang second.”

Sa ngayon, si Jillian ay mayroong 3.6 million followers sa Instagram at 3.8 million followers sa Tiktok. “Kaso sobrang bihira na lang po ako mag-post sa Tiktok, hahaha!” Pakli niya.

Ilan ang followers niya sa Twitter? “Wala po akong Twitter,” tugon pa ni Jillian.

Nabanggit din ni Jillian na sobra ang saya niya sa rami ng mga aktibong fans na sumusuporta sa kanya.

Nakangiting esplika niya, “Sobrang saya po. Nagbabasa rin po ako ng comments, at natutuwa po ako kapag may mga nagco-comment na, napapasaya ko raw po yung araw nila kapag napapanood po nila ako sa TV or sa social media.”

Dagdag pa niya, “Pati rin po sa Tiktok. Nakakatuwa po kasi, dahil sobrang saya po nila kapag nagre-reply ako.”

Sumasagot din ba siya sa ibang comments?

Lahad ng magandang aktres, “Mostly po sa Instagram ako nagre-reply. Pero may times po na nagre-reply ako sa FB, or inila-like ko po ang mga comments nila.”

Ano ang nafi-feel niya kapag sinasabing siya ang susunod sa yapak ni Marian?

“Sobrang idol ko po kasi si ate Marian, since five pa lang po ako. Kahit sa mga interview po noong dati pa, since Trudis Liit, siya po talaga ang lagi kong binabanggit na idol ko.

“Nao-overwhelm po ako and sobrang grateful po ako kapag sinasabing ako ang susunod sa yapak ni Ate Marian, na nakikita po nila na may potential ako bilang artista or singer.”

Ano ang message niya sa kanyang fans?

Wika ni Jillian, “Ang message ko po sa kanila is, gagawin ko po yung best ko para ma-inspire ko sila, or mabigyan ko po sila ng entertainment through my shows or music.

“Sobrang saya ko po na lagi silang nandiyan para sa akin. Mahal na mahal ko po silang lahat. Alam ko po parang cliché na, pero totoo po na wala po ako ngayon sa kinalalagyan ko, kung wala sila at kung hindi dahil sa kanila. Kaya po sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng fans.”

Incidentally, abangan si Jillian sa Book-Two ng Prima Donnas. Nalaman namin na next month ay magsisimula na silang mag-taping para sa top rating TV series na ito at ilan sa mga stars nito na naka-usap namin ay ipinahiwatig na maraming dapat abangan dito.

About Nonie Nicasio

Check Also

Cristine Reyes

Cristine namali ng balanse tumama ang likod sa sahig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG beses nagpa-check-up ng likod sa isang espesyalista si Cristine Reyes dahil …

Lolit Solis Kris Aquino Josh BImby

Kahit may sakit din at nasa abroad
KRIS INALAM ANG MGA KAILANGAN NI MANAY LOLIT

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KILALA si Kris Aquino sa pagiging matulungin kaya naman hindi na kami …

Pokwang

Pokwang nagpapatayo ng bonggang summer house para sa 2 anak

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPATAYO ang komedyanang si Pokwang ng tinatawag niyang summer house sa Bataan para sa …

GMA Kapuso stars tulong bagyong Karding

Kapuso stars namahagi ng tulong sa mga apektado ni Karding

I-FLEXni Jun Nardo NAKIPAG-BAYANIHAN ang Kapuso stars sa mga apektado ng Bagyong Karding. Nag-volunteer ang ilang Kapuso …

Blind Item, Man Woman Fighting

 ‘Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Leave a Reply