Monday , February 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boyfriend #13 inilunsad ng WeTV

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ANG bongga ni Sue Ramirez ha. Imagine, ang kanyang kilig series na Boyfriend #13 ang unang handog ng WeTV.

Kaya kung ‘di pa ninyo nahahanap ang inyong the one, ito na ang sagot mula sa Boyfriend #13 na isang WeTV Original romantic comedy series na mapapanood ngayong June.

Si Kim ni Sue sa Boyfriend #13, na bagamat 20 something pa lang eh may lumang paniniwala. Bawat galaw niya ay de numero para hindi siya magkamali dahil na rin sa marami niyang pamahiin. Siya iyong babaeng mahilig magbasa ng kanyang horoscope araw-araw, nagsusuot ng mga lucky charm pantaboy ng mga bad luck, at regular na nagpupunta sa  manghuhula.

Si JC De Vera ang sinasabi niyang destiny dahil na rin sa mga sign na nakita niya nang magpahula  siya. Kaya naman maingat na pinlano lahat ni Sue kasama ang ka-officemate Bob (JC Santos) para hindi sila magkahiwalay.

Kasabay nito, inilunsad ng WeTV ang tarot-inspired cast cards at official show poster via its official social media accounts, para magbigay pag-asa sa mga fan at fellow hopeless romantics ng first look sa certifiably kilig new show ukol sa pagiging  lucky sa love.

Ang Boyfriend #13  ay ang newest WeTV original series na prodyus ng  streaming service, at ito ang kanilang second romantic comedy ngayong 2021. Ito ay idinirehe ni John Lapus.

Para makapag-stream ng lahat ng panoorin sa WeTV Originals at iba pang Asian Premium Content, original series, Filipino shows and anime, mag-download ng WeTV app sa App store at Google Play. Nagkakahalaga lamang ang monthly subscription ng P99, quarterly  P269, at ang annual subscription ay P999.

Ang Tencent Video ay nangungunang leading online video platform ng China na may 100 million paid subscribers, at ang WeTV ay product nila para sa mga overseas user. Simula 2019, ang WeTV ay available sa Indonesia, Malaysia, Thailand, Philippines, India, at iba pang lugar. Ang WeTV ay ang kauna-unahang Chinese streaming service platform na ilulunsad in multiple overseas regions.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kiray Celis Stephan Estopia Kirays Brands

Kiray paspas sa pagbuo ng pitong anak

HARD TALKni Pilar Mateo STALKER! Mayroon pala niyon si Kiray (Celis-Estopia).  Sumusulpot sa mga event niya. …

Ejay Falcon

Ejay pag-arte hindi tatalikuran

RATED Rni Rommel Gonzales SA eleksiyon last year ay nabigo si Ejay Falcon, na noon ay bise …

Kim Molina Jerald Napoles RC Delos Reyes

KimJe nanatiling matatag  kahit maraming pagsubok

I-FLEXni Jun Nardo BITIN ang announcement ni Kim Molina tungkol sa March wedding nila ng boyfriend na …

Sylvia Sanchez Nathan Studios Im Perfect cast

Down Syndrome talents ni Sylvia nakapila kabi-kabilang endorsement

RATED Rni Rommel Gonzales TALENT manager na si Sylvia Sanchez! Contract artists na ng Nathan Studios/Nathan Studios …

Mon Confiado Ynez Veneracion

Mon nagbabalik pagtingin kay Ynez

KINUHA ang reaksiyon ni Mon Confiado sa pagpaparetoke ng dati niyang girlfriend na si Ynez Veneracion. Nanibago ba …