Friday , October 22 2021
LUMAHOK sa “penitential walk” laban sa CoVId-19 ang mahigit 200 pari na pinangunahan nina Bishop Emeritus Teodoro Bacani at Bishop Broderick Pabillo, apostolic administrator of Manila, kahapon. (BONG SON)

Penitential walk ng mga pari vs Covid-19 sinimulan kahapon

MAHIGIT 200 paring Katoliko ang lumahok sa “penitential walk” kahapon para sa proteksiyon ng bansa laban sa CoVid-19.

Pinaniniwalaang ito ang pinakamalaking pagtitipon ng Manila archdiocese’s clergy mula noong magsimula ang pananalasa ng pandemya.

Buong tapang na sinuong ng mga pari ang init ng panahon habang naglalakad sa kalsada kasabay ng pagdarasal.

Pinangunahan ang penitential walk ng apat na paring pasan-pasan ang nakapakong imahen ni Kristo, kasunod ang dalawang Obispo at mga pari mula sa iba’t ibang parokya ng archdiocese.

Bago ang prusisyon, nagtipon para sa communal penitential service na pinangunahan ni Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa Quiapo Church, kasunod ng paggawad ng Sakramento ng Kumpisal (Banal na Sakramento ng Pagsisisi at Pagpapatawad).

Mula sa Quiapo, lumakad sila patungong Sta. Cruz Church para sa Banal na Misa na pinangunahan ni  Bishop Broderick Pabillo, apostolic administrator of Manila.

Sa kanyang homilya, sinabi ni Bacani, “ang nasabing araw ay oportunidad para sa pagpapatawad, pag-aayuno, at pagdarasal.”

“We should use this moment to raise our requests to the Lord and any of our sins will be forgiven,” ani Pabillo. “With forgiveness, the Lord will give us grace, especially our welfare now during the pandemic.”

(BONG SON)

About Bong Ramos

Check Also

Dr Kilimanguru, DJ Jhai Ho, Kiray Celis, #BestTimeWithGlobe, Best Time With Globe

Mga sikat na online personalities sa kanilang #BestTimeWithGlobe

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG sikat na social media personalities, Dr. Kilimanguru, DJ Jhai Ho, at Kiray Celis ang …

Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

CASSY LEGASPI, SOBRANG NA-IN LOVE SA MGA PRODUKTO NG BEAUTÉDERM

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng young actress na si Cassy Legaspi na sobrang happy …

Francine Diaz, Alvin Professional Skin Care

SIKRETO NI FRANCINE SA MAGANDANG MUKHA IBINAHAGI

HARD TALK!ni Pilar Mateo SA isang tsikahan sa miyembro ng Gold Squad na si Francine Diaz, inamin nito …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs, Insomnia

Insomnia ini-relax ng Krystall Herbal Oil at Nature Herbs

Dear Sis Fely Guy Ong, Tawagin n’yo na lang po akong Romeo, 46 years old, …

Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

Rhea Tan thrilled kay Cassy Legaspi – She embodies the vibrancy of youthfulness

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BAHAGI na ng lalo pang lumalaking pamilya ng Beautederm Corporation ang TV …

Leave a Reply