Sunday , September 25 2022

Pinoy movies at digital concert tampok sa iWantTFC 

KAABANG-ABANG ang mga palabas ngayong Mayo at Hunyo sa iWantTFC dahil mapapanood ng mga Pinoy kahit saang bahagi ng mundo ang pinakahinihintay na digital concerts at bagong Pinoy movies.

Sayawan at kantahan ang hatid ni Darren Espanto sa digital concert niyang Home Run sa Mayo 30, 8:00 p.m. at Mayo 31, 10:00 a.m. (Manila time). Pwede nang bumili ng tickets, P699 para sa subscribers na nasa Pilipinas o US$14.99 naman sa ibang bansa.

Sanib-puwersa naman sina Martin Nievera at Lani Misalucha sa New Day virtual concert sa Hunyo 6,11:00 a.m. at 8:00 p.m. (Manila time). Makakasama rin nila sina Rey Valera, Nonoy Zuniga, at Marco Sison at available rin ang tickets sa halagang P1,200 o US$24.99.

Makabibili na rin ng tickets (P499 o US$10.99) para sa Jayda in Concert ni Kapamilya singer-songwriter Jayda sa kauna-unahan niyang major concert sa June 26, 8:00  p.m., na may re-run sa Hunyo 27 ng 10:00 a.m. (Manila time).

May bagong Pinoy movies din na mapagpipilian ngayong Mother’s Month sa halagang P250 o US$4.99. Makabibili ng tickets para sa  Momshies: Ang Soul Mo’y Akin nina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros na ipalalabas simula Mayo 28, habang kasalukuyan namang napapanood ang Mommy Issues nina Sue Ramirez, Pokwang, at Gloria Diaz.

Kasalukuyan ding napapanood sa iWantTFC ang tambalan nina Diego Loyzaga at AJ Raval sa Death of a Girlfriend sa halagang P250 o US$4.99. May horror movies din na The Ghosting, tampok si Andrea Brillantes, at Santigwar na pinagbibidahan nina Alexa Ilacad, Marco Gallo, at Marlo Mortel na parehong available sa halagang P99 o US$1.99.

Nariyan din ang Santos sa halagang P350, pati na ang Death of NintendoOda sa Wala, at Motel Acacia gamit ang Black Pack promo ng Black Sheep sa halagang P300.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

BEAUTY GONZALEZ Rhea Tan

BEAUTY GONZALEZ ROLE MODEL SI MS. RHEA TAN, 
bagong mukha ng Beautéhaus

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SI BEAUTY GONZALEZ ang bagong mukha na kakatawan sa BeautéHaus …

Beautederm Rhea Tan Vigan

Lorna, Jelai, Buboy, JC, Ejay, Jana nag-enjoy sa Vigan 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga NAG-ENJOY nang todo sa kanilang trip sa Vigan City, Ilocos Sur …

SM 100 days of hapiness

SM SUPERMALLS BEGINS 100 DAYS OF HAPPINESS  
Officially starts the Christmas countdown by creating a circle of happiness among Filipinos

To kickstart the Christmas countdown, SM Supermalls began its 100 Days of Happiness today, September …

Sharp 110th anniv feat

Sharp celebrates its 110 years of transforming lives

SHARP Corporation celebrates its 110th year anniversary. In its celebration, Sharp has introduced a new …

kati batok, Krystall Herbal Oil

Dermatitis ng factory worker na-neutralise ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply