36 illegal alien online gaming workers nasakote ng BI-intel

UMABOT sa 36 illegal aliens ang nasakote ng Bureau of Immigration – Intelligence Division nang salakayin ang isang online gaming company sa Double Dragon Plaza Tower 3 sa Pasay City.
Β 
Ayon kay Commissioner Jaime Morente, matapos magsagawa ng palihim na imbestigasyon sa nasabing kompanya, napag-alaman na ang mga foreigner na nagtatrabaho sa nasabing establisimiyento ay pawang walang kaukulang working permits.
Β 
β€œWe coordinated with PAGCOR and verified that this company is unlicensed and has no authority to operate,” ayon kay Morente.
Β 
Bukod sa walang working permit, wala rin lisensiya sa PAGCOR ang mga establisimiyento para magkaroon ng operasyon bilang negosyo.
Β 
Bago magsimulang magbukas ang isang online gaming ay β€˜pre-requisite’ ang pagkuha ng lisensiya sa PAGCOR ng isang online gaming company bago makapag-operate.
Β 
Dagdag ni BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr., nadiskubre ng ahensiya, bukod sa online gaming ay mayroon pang live studio gaming na ino-operate ang nasabing kompanya. Karamihan ng mga nagpapatakbo sa nasabing kompanya ay mga Koreano.
Β 
Kasama sa nahuli ang dalawang Chinese nationals at dalawang Indonesians at ang natitirang 32 foreigners ay pawang Koreano.
Β 
Pansamantalang naka-detain sa Warden’s Facility sa Bicutan, Taguig ang mga dayuhan habang hinihintay ang resulta ng kanilang RT PCR test.
Β 
Muling nagbabala ni Commissioner Morente sa lahat ng mga foreigner sa bansa na huwag gamitin ang pandemya para isulong ang kanilang mga ilegal na gawain.
Β 
Patuloy ang gagawing pagtugaygay ng ahensiya at kung kinakailangan ay magpapatupad ng arrest & deportation order sa sinomang banyagang lalabag sa batas!
Β 
Good job, BI Intelligence Division!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visitΒ https://hatawtabloid.com

[divider]

BULABUGIN
ni Jerry Yap