Thursday , June 4 2026
dead

Katawan ng 2 lalaki natagpuan sa Camotes Island, Cebu (Dalawang araw nang nawawala)

NATAGPUAN nitong Miyer­koles ng umaga, 21 Abril, ng mga awtoridad ang mga katawan ng dalawang lalaking dalawang araw nang nawawala habang lumalangoy sa tubigan ng Camotes Island, sa lalawigan ng Cebu.

Kinilala ang biktimang si John Mark Donaire Gero­dias, 18 anyos, nakitang palutang-lutang sa Can­lusong Wharf sa bayan ng San Francisco, sa naturang lalawigan, dakong 9:05 am kahapon.

Isang oras ang nakalipas, natagpuan din ang katawan ni Clark Costanilla Paradero, 21 anyos, sa dalampasigan ng Brgy. South Poblacion, sa nabanggit na bayan.

Nabatid na nagpunta sa Camotes Islands sa Cebu ang dalawa, kasama ang kanilang mga kaibigan sa kabila ng naglalakihang alon,, dala ng Bagyong “Bising.”

Bukod sa dalawa, nakita rin ng rescuers ang apat na iba pang pinanini­walaang kasama nila.

Nang maiulat na nawawala, nagsagawa ng search-and-rescue operations ang Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, lokal na pulisya, at rescue team mula sa isla para hanapin ang mga biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …