Wednesday , June 10 2026

Hollywood blogger enjoy sa Darna ni Ate Vi

BUKOD kay Nora Aunor, nais ding interbyuhin ng dagdag sa pamilya ng Cut ! Print. podcast Network na si MJ Racardio si Vilma Santos sa kanyang show na Blogtalk with MJ Racadio na mapapanood weekly weekly.

Ani MJ, lumaki siyang pinanonood ang Darna ni Ate Vi at ang mga katulad ng award winning actress at public servant na ginagamit ang  power para tumulong sa mga kababayang Filipino.

Si MJ ay isang award-winning social media reporter, EBC international correspondent, celebrity blogger, publicist, at singer.

Pitong taon na siyang naninirahan sa Amerika at nakagawa na rin ng sariling pangalan doon bilang miyembro ng Los Angeles Press Club. 

Ilan sa mga sikat sa Hollywood celebrities na na-interview nito ay sina Bruno Mars, Darren Criss, Aaron Sorkin, Steve Harvey, ilang nga beauty queens at director.

Ibinahagi ni MJ ang ilang sikreto kung paano naghahanda sa isang interview.”Drink a lot of water, research and think for a comfortable topic (ice breaker questions).

Si MJ ang nagpasimula ng 75 Most Influential Filipino-Americans bilang pagbibigay-pugay sa mga Filipino- Americans na gumagawa ng pangalan sa Amerika. ”Because I wanted everybody to know about Filipinos that make it big in the US. I want the hard work of Filipino-Americans in the US to be recognized.”

Very thankful si MJ sa Cut! Print. Podcast sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na maging isa sa podcasters nito. ”It’s an amazing experience. It’s an honor to be a part of Cut! Print. Podcast,” ani MJ.

Nagpapasalamat din si MJ sa kanyang EBC Net 25 family dahil sa oportunidad na maging parte ng family nito. Isa siyang international correspondent na nagbabalita ng kaganapan sa mundo ng.

Bukod sa Blogtalk with MJ Racadio, ang Cut! Print. Podcast ay tahanan din ng iba pang chart-topping podcast shows gaya ng Sleeping Pill with Inka Magnaye (#1 on Spotify), Jett’s Talk Show (hosted by rock legend Jett Pangan), It’s the Round Table (hosted by Brian Bonnie), Pop Emergency (hosted by Alwyn and Adrian), Covert Operations (hosted by Spade JMV and Kurt Garcia), Jeck Talks Tech atbp.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Cassy Legaspi

Cassy iginiit single at walang karelasyon

MATABILni John Fontanilla KUMALAT kamakailan sa social media ang mga larawan ni Cassy Legaspi habang nagbabakasyon sa …

Linda Walker Zhang Yingfei

Linda Walker mainit na sinalubong sa NAIA 

I-FLEXni Jun Nardo ENGRANDENG salubong kay Linda Walker  o ang actress na si Zhang Yingfei ang handog ng …

MTRCB

MTRCB nakatanggap ng ika-pitong magkasunod na Unmodified Opinion mula COA

HARD TALKni Pilar Mateo MULING kinilala ng Commission on Audit (COA) ang mahusay na pamamahalang pampinansiyal ng Movie …

Christy Imperial Apphle Celso Meg Imperial Ashtine Olviga

Apphle Celso proud kay Ashtine; Christy nahigitan pagpapa-sexy ni Meg

NATATAWANG ibinahagi ni Christy Imperial na hindi akalain ng pinsan niyang si Meg na malilinya siya sa pagpapa-sexy sa …

Kaye Abad Cancer Survivors Month

Kaye ipina-tattoo pink ribbon para sa Cancer Survivors Month

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “FOR quiet battles and victories of a cancer survivor.” Caption ng tattoo …