Thursday , June 4 2026

Rider patay, 2 sugatan (Banggaan ng 2 motorsiklo)

PATAY ang isang 32-anyos rider habang kritikal  ang dalawa pa, nang magbanggaan ang sinasakyan nilang mga motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Agaw nalagutan ng hiningan si Paul Jerico Gamayon, residente sa Block 14, Lot 43, Mathew St., Phase 2, San Jose Del Monte, Bulacan.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center Quezon City sanhi ng pinsala sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan si Lucito Rivas, 27 anyos, ng Package 1, Blk 14, Lot 11, Phase 3, Brgy. 176, Bagong Silang; at kanyang back rider na si Jennelyn Abrigo, 31 anyos, ng Blk 16, Lot 9, Camarin.

Ayon kay Caloocan police traffic investigator P/Cpl. William Ramirez, Jr., kapwa tinatahak ng dalawang motorsiklo ang kahabaan ng St. Joseph Avenue dakong 11:20 pm, sakay si Gamayon ng isang Yamaha Sniper at binabagtas ang southbound lane, habang minamaneho ni Rivas ang isang Mitsukoshe Rapido, angkas si Abrigo at tinatahak ang opposite direction.

Pagsapit sa harap ng Saint Joseph Parish Church sa Brgy. 186, sinakop ni Rivas ang lane ni Gamayon na naging dahilan upang magsalpukan ang kanilang mga motorsiklo.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang mga biktima sa kanilang mga motorsiklo, agad idineklarang patay si Gamayon ng nagres­pondeng mga tauhan ng Caloocan City DRRMO habang isinugod sa ospital si Rivas at Abrigo.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries at damage to property si Rivas.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …