Thursday , December 2 2021
Katrina Halili
Katrina Halili

Katrina Halili, walang elya sa katawan!

Sa loob ng pitong taong pagiging single, nakalimutan na raw ni Katrina Halili kung paanong ma-in love sa isang lalaki.

Hindi na raw niya alam kung papanong makiliti sa presensiya ng isang lalaki dahil it’s been so long and she had almost forgotten how to react in the presence of men.

Katrina issued this statement in her guesting at Mars Pa More last April 7.

Sa isa sa mga segment ng Kapuso daytime talk show, kailangang kompletihin niya ang isang hanging sentence.

Tungkol sa mga lalaki siyempre ang topic.

Nevertheless, Katrina was frank and candid in giving her answers.

Here’s a sample of the questions: “Ang mga lalaki kasi nakabubuwisit din kung minsan. Pero para sa akin, kapag wala naman sila, nakami-miss din ang…”

Katrina’s answer was quickly delivered, “Medyo matagal na kasing wala akong boyfriend kaya wala na akong maalala.”

Follow-up question ng dalawang hosts na sina Iya Villaniya at LJ Reyes, hindi raw ba nami-miss ni Katrina ang yakap at pag-aalaga ng isang lalaki?

“Ay, wala,” was her immediate answer. “Kontento na ako sa yakap ni Katie.

“Wala talaga, Mars,” stressed Katrina.

Katrina and Kris Lawrence parted ways wayback in the year 2014. From then on, she didn’t have any emotional involvement.

Na-stress out naman si Katrina na kompletohin ang isang sentence tungkol sa unforgettable kilig moment niya sa isang lalaki.

“Ang hirap naman ng mga tanong ninyo. Mga lalaki, wala talaga akong kilig sa kanila.

“Wala akong maalala. Burado na sila.”

Dahil sa kakulitan ng dalawang host, nakaisip rin si Katrina ng kilig na kanyang naranasan but then, sobrang tagal na raw ‘yun.

Pag-share ni Katrina, “Parang may nakilala ako before, ‘tapos ano…”

“Kasi naaalala ko, e, may nakilala ako sa Boracay.

“‘Tapos, simula no’ng nakita niya ko, ayaw na niya akong tantanan.

“‘Tas sabi niya may nagtuturo raw sa kanya na ako na talaga. ‘Tas hanggang sa Manila nililigawan niya ako, gano’n.”

In her past interview wayback in the year 2020, September, she openly admitted that she was open to love but the problem was, no one dared court her supposedly.

Sa mga katangiang hinahanap niya, hindi na raw playtime ang hanap niya kundi mapapangasawa.

Hindi raw siya naghahanap ng kanyang ‘pabebebehan.’ Dapat ‘yung may pakinabang.

Hanap raw niya ay lalaking responsable at kayang mahalin ang kanyang anak.

“‘Yung magiging tatay sa anak ko. Mahal ako, mahal si Katie. ‘Yung magpapamilya na talaga,” she stressed.

“‘Yun naman ang hinihintay ko. Hindi ‘yung boyfriend-boyfriend na eme-eme lang diyan.

“Siyempre ‘yung kaya akong buhayin. Alangan naman buhayin ko pa, di ba? Aba, sandali lang!” she ventured frankly.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Herbert Batista Rene Boy

HB iniyakan ng matatanda at tinawag na Rene Boy

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IIYAKAN ang matatandang babae kay senatoriable Herbert Batista nang umikot siya sa Cebu City …

Blind Item, Mystery Man, male star

Baguhang male star na jutay at mahal sumingil ‘di na in sa mga beki

HATAWAN!ni Ed de Leon MATAPOS ang isang ginawang BL, wala na ngang narinig tungkol sa isang baguhang …

Derrick Monasterio, Ricky Martin

Derrick Monasterio pina-follow ni Ricky Martin ng Menudo

HATAWAN!ni Ed de Leon MUKHA nga yatang ang gusto nilang palabasin ay si Derrick Monasterio na ang pinaka-sexy …

Daniel Padilla

Daniel apektado ng cost cutting

HATAWAN!ni Ed de Leon KUNG napapansin ninyo, ang maraming projects ngayon ay iyong mga baguhang love teams, …

Bea Alonzo Tanduay Calendar Girl 2022 Feat

Bea kung kailan tumanda at saka nagpa-sexy

MATABILni John Fontanilla POSITIBO at negatibo ang reaksiyon ng netizens sa paglabas ng mga sexy photo ni Bea …

Leave a Reply