Thursday , June 4 2026

PCSO mamimigay ng libreng lotto ticket para kay Juana

Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan! Ito ay pagpapakilala at pagbibigay paggalang sa mga karapatan at mga nakamit ng kababaihan.. Ito rin ay orihinal na naglalayong makamit ang buong pagkakapantay-pantay sa kasarian sa buong mundo.

Sa darating na ika-29 ng Marso 2021 ang PCSO ay mamimigay ng libreng MegaLotto 6/45 ticket na nagkakahalaga ng P100.00 para sa mga maswerteng kababaihan bilang pagkilala sa  kanilang natatanging ambag sa lipunan .

Ang proyektong ito ay pinangunahan ng Product & Standard Development Department (PSDD) na tinawag na “MEGA TICKET PARA SA JUANA”: ISANG PASASALAMAT! Ang layunin ng proyektong ito ay upang pasalamatan ang mag kababaihan na naging matatag, matapang at nagpakita ng kalakasan harapin ang hirap ng buhay lalo na sa panahon ng pandemya. Ang PCSO ay naniniwala na malaki ang ambag ng mga kababaihan sa lipunan kaya marapat na sila ay kilalanin at bigyan parangal.

Ang unang 50 Juana players na maglalaro ng minimum na dalawampung piso (P20.00) para sa sa kahit ano mang laro sa lotto sa PCSO Games Hub na matatagpuan sa PCSO Main Office, Shaw Boulevard, Mandaluyong City ay makakuha ng libreng MegaLotto tiket.

Samantala, ang unang 15 maswerteng kababaihan naman na bibili ng minimum na dalawampung piso (P20.00) para sa anumang laro sa Lotto sa mga PCSO Branches nationwide ay makakatanggap din ng libreng MegaLotto ticket 6/45.

Ipinapaalala ng PCSO na hindi maaring sumali ang sino mang empleyado ng PCSO para sa proyektong ito.

Hinihimok ni GM Royina M. Garma ang bawat Juana na lumahok sa Marso 29, 2021, at makisali. “Inilaan ng PCSO ang araw na ito para sa  kabayanihan ng mga kababaihan sa buong Pilipinas para sa kanilang dedikasyon at matapang na pagharap sa pandemya. Hatid ng PCSO ang pag- asa para sa mga mahihirap na nangangailangan kaya tangkilikin po natin ang lahat ng palaro ng PCSO. Umaasa po kami na ang susunod na milyonaryo ay isang Juana na lalahok sa March 29!”

PCSO: “Ang Larong May Puso”.
“Maliit na Halaga, Dala ay Pag Asa”
“Walang Humpay na Malasakit”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …