Thursday , June 4 2026

Duterte umiiwas sa bayad-pinsala kapag naprehuwisyo ng CoVid-19 vaccine (Kung private sector)

NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi puwedeng panagutin ang pamahalaan sakaling magkaroon ng masamang epekto ang CoVid-19 vaccine sa taong tinurukan nito kapag ang bakuna ay binili ng pribadong sektor.

“One that is the government cannot guarantee much less give you an immune status that you are freed of any and all liability… I think we cannot even do that even if we wanted to, the assumption of liability for the stocks that are bought from the private sector,” ayon kay Duterte sa kanyang public address kamakalawa ng gabi.

“Ang gusto ng manufacturers, ang private sector magbili, ang gobyerno ang mag-assume ng liability. Hindi ho pwede ang ganoon,” giit ng Pangulo.

Ito’y sa kabila na nilagdaan ni Pangulong Duterte ang indemnity law o Republic Act 115251 o ang CoVid-19 Vaccination Program Act of 2021 na nag-aabsuwelto sa vaccine manufacturers sa pananagutan kapag nagkaroon ng masamang epekto ang bakuna sa taong tinurukan nito.

Ayon sa batas, “public officials and employees, contractors, manufacturers, volunteers and representatives of duly authorized private entities shall be immune from suit and liability under Philippine laws with respect to all claims arising out of, related to, or resulting from the administration or use of a CoVid-19 vaccine under the (CoVid-19) vaccination program except arising from wilful misconduct and gross negligence.”

“Iyong sinabi naman po ni Presidente na hindi naman pupuwede na walang pananagutan ang pribadong sektor, ito po ay dahil nakasaad nga po sa batas natin na bagama’t gobyerno ang magbabayad ng side effects ay may dala­wang exceptions po rito: Kung nagkaroon po ng tinatawag na willful neglect o iyong tinatawag na gross negligence. Ito po iyong kapabayaan na wika nga ni Ms. International, e major-major na kapabayaan ‘no – gross negligence,” paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pahayag ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …