Monday , December 6 2021

Ivana Alawi, may ‘di makalilimutang encounter sa isang bastos at mayabang na celebrity

Basing from the YouTube interview of Toni Gonzaga with Ivana Alawi which came out last Sunday, March 21, it was obvious that her worst date experience was with an actor. The actress-vlogger made mention of the bad demeanor of the actor on their first date.

“May time kasi na we were eating in a restaurant,” Ivana elaborated.

“Pinagsisigawan niya ‘yung waiter. Pinagmumura niya.”

Na-turn off raw siya dahil sa ginawang ‘yun ng kanyang ka-date.

“Parang siguro he was trying to impress me,” she added.

“Pero siguro hindi niya alam sobrang na-turn off ako doon. The way that he treated that waiter.”

Naisip raw niyang kung ganyan magtrato ng waiter ang celebrity, puwede rin gawin niya ‘yun sa kanya, or to anyone else for that matter.

Sa ginawang ‘yun ng kanyang ka-date, napaiyak raw ‘yung waiter.

Hindi raw natiis ni Ivana ang kabastusan ng kanyang ka-date, nag-walkout raw talaga siya.

Bago raw siya nag-walkout, kinausap raw niya ‘’yung waiter.

“Sabi ko, ‘Sorry, ha, sorry,’ gano’n-gano’n. Kasi ayoko nang nakakita ng gano’n.”

Anyhow, na-sense ni Toni, na artista talaga ang ill-mannered na ka-date ni Ivana.

“Hindi ko alam,” Ivana said, sounding evasive, “Ate Toni. Baka maghulaan na naman sila niyan.”

Na-trauma na siguro si Ivana dahil pinag-usapan talaga last February sa internet at social media ang ‘di niya magandang karanasan sa isang TV host.

Anyway, at the start of their interview, Ivana was able to share her unsavory encounter with a “celebrity.”

It appeared na karugtong pala ito ng kuwento ni Ivana tungkol sa kanyang masamang date experience.

Nabanggit pa rin in passing ng sexy actress na hindi raw niya makalimutan ang experience niyang ‘yun sa isang restaurant sa Pasig City.

“Ayoko ko ng gano’n talaga. Nag-walkout talaga (ako),” she said.

Right after their date that turned out to be a veritable disaster, her date tried to text and made a call.

“Akala niya siguro nao-off ako sa kanya,” she asseverated. “Pero hindi ko na inisa-isa, na parang, ‘Bastos ka magtrato ng ibang tao.’”

After this, hindi na raw siya pinapansin nito.

“‘Pag nagkita kami, parang, ‘Dedma ha! ‘Stranger?’ Sama ng ugali mo!” Ivana said, all amusement.

Sa ngayon, hindi raw siya partikular kung taga-showbiz man o hindi ang kanyang magiging karelasyon niya. But as much as possible, she wants their relationship in private.

“I like having a private relationship, kasi feeling ko, kapag ini-out agad namin, parang, ‘di ba, mabilis siyang masi­sira.

“Lalo na kunwari ang lalaki affected agad sa mga bashers, affected sa mga comments.

“I want it to be private, I want it to be intimate, na parang kami lang.”

Preferred rin niya ang Pinoy na karelasyon.

“They’re very loving and they’re very caring.

“Most of the Pinoy are family-oriented and ‘yun ang gusto ko.”

Trip rin daw niya ‘yung lalaking maganda kung ngumiti.

Sa pag-uugali naman, mas feel raw niya ‘yung guys na matatalino at goal driven.

Right now, she’s not dating anyone. Ang huli raw niyang date ay three months ago pa.

Basta sa ngayon, single raw siya at walang karelasyon.

Follow me on Twitter at Pete G. Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, NHong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Blind Item, showbiz gay, male stars models

Maimpluwensiyang showbiz gay trip i-video ang kakaibang ‘date’

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng loob ng isang showbiz gay. Mukhang marami na siyang naiipong pictures at …

Tony Labrusca

Tony Labrusca bumaba ang popularidad

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN lang namin, mukhang napakabilis yata ng pagbaba ng popularidad ni Tony Labrusca. May …

James Reid Nadine Lustre Jadine Ikea

Career nina James-Nadine mag-survive kaya kahit hiwalay na?

HATAWANni Ed de Leon NAKITA sina James Reid at Nadine Lustre sa isang shop noong isang araw, pero maliwanag namang hindi sila magkasama. …

Albie Casino, Andi Eigenmann, Jake Ejercito

Albie milyon ang nawala dahil kay Andi

MA at PAni Rommel Placente NAIINTINDIHAN na namin kung bakit hanggang ngayon ay galit at …

Blind Item, Man Woman Fighting

Aktor at aktres panay ang dyombagan

FACT SHEETni Reggee Bonoan AWAY-BATI ang drama ng magkarelasyon na ito at matindi silang mag-away dahil …

Leave a Reply