Thursday , June 4 2026

2 tulak, menor de-edad, timbog sa serye ng drug ops sa Bulacan

ARESTADO ang tatlong hinihinalang notoryus na tulak ng ipinagbabawal na gamot sa magkasunod na anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Lunes, 15 Enero.

Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang tatlong suspek na sina Mark Anthony Menes, alyas Chinito, residente sa Brgy. Lambakin, bayan ng Marilao; Romeo Romagoza, alyas Don-Don, ng Brgy. Malamig, bayan ng Bustos, kabilang sa PDEA-PNP Unified Drug Watchlist; at isang 16-anyos, residente sa Brgy. Bonga Menor, sa bayan ng Bustos.

Dinakip ang tatlong suspek sa ikinasang anti-illegal drug operations ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Marilao at Bustos Municipal Police Station (MPS).

Nasamsam mula sa mga suspek ang isang selyadong plastic sachet ng hinihinalang shabu at tatlong sachets ng pinatuyong dahon ng marijuana na dinala sa Bulacan Crime Laboratory Office para sa pagsusuri.

Inihahanda ang kaukulang kaso na isasampa laban sa mga suspek saman­tala ilalagay ang menor de edad sa pangangalaga ng Bustos Municipal Social Welfare and Development para sa pagtata­sa o assessment. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …