Friday , July 12 2024

Regine, Lani, Jed gustong maka-colab ni Jos

ANG mahuhusay na local singers na sina Jed Madela, Lani Misalucha, Regine Velasquez, Morissette, at Rey Valera ang mga gustong maka-colab at makasama sa isang concert ng intenational singer at Superstar sa Japan na si Jos Garcia.

Ayon kay Jos, ”Nakita ko sa si Jed na kumakanta ng mga classical and operatic music.

“And katulad ni Jed mahilig din ako kumanta ng classical and theatrical music, naisip ko lang na bagay ang boses namin if ever mag-duet.”

Bukod kay Jed gusto ko din si Ms Lani Missalucha,  Idol ko kasi sya sobrang galing kumanta, and of course ang ultimate idol ko na si Ms  Regine Velasquez na hindi rin matatawaran ang husay sa pag awit,

“ Among millenial singers naman ang gusto kong maka colab or makasama sa isang konsiyerto ay si Morissette  Amon gusto ko din yung style niya sa pagkanta and mahusay din siya,

“ Tsaka sila Regine at Morissette halos  pareho kami ng genres , and gusto ko yong the way they sing especially pag ballad,

At kung sakaling mayroon siyang artist na pangarap na kantahin ang isa sa komposisyon niya, iyon ay si Regine Velasquez.

“Karaniwan kasi sa komposisyon ko ay ballad kaya na-visualize ko lang po na bagay iyon kay Regine Velasquez, dahil ‘yung tunog po ng boses niya na super silky smooth ang dating sa pandinig, bagay na bagay.

“Hopefully sana magkatotoo at ibigay ni Lord  na makasama ko sila at maka-duet at makasama sa isang konsiyerto.

Ngayon ay busy si Jos sa Asian promotions ng kanyang Nagpapanggap  na komposisyon ni Valera under Viva Music.

Isa rin sa pangarap ni Jos ang makilala pa ang mga song na ire-release niya this year kasa­ma na ang mga sariling kom­posisyon tulad ng  monster hit song na Ikaw ang Iibigin Ko mula sa komposisyon ni Michael De Lara.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Maxine Medina

Maxine maraming nabago sa katawan simula nang magbuntis 

MATABILni John Fontanilla EXCITED na si Maxine Medina na ipanganak ang first baby nila ng asawang negosyanteng …

Teejay Marquez

Teejay balik- Indonesia nag-endoso ng sikat na hotel 

MATABILni John Fontanilla NAKABALIK na sa bansa si Teejay Marquez na ilang araw na namalagi sa Indonesia …

Lito Lapid Lorna Tolentino

Sen Lito nilinaw tambalan nila ni LT hanggang telebisyon lang 

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT si Senador Lito Lapid sa mga manonood ng Batang Quiapo na natutuwa at kinikilig sa …

Lito Lapid Atty DX Lapid

Lito Lapid binigyang halaga ng SPEEd, Icon Awardee sa 7th The EDDYS

KINILALA ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) ang naiambag ni Senador Lito Lapid sa industriya ng pelikulang Pilipino sa …

blind item, woman staring naked man

Male celeb at fave clinic attendant may milagrong ginagawa  

I-FLEXni Jun Nardo ORDINARYO na sa mga staff ng isang derm clinic ang pagdating ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *