Friday , December 3 2021

Paolo Ballesteros, pinagpawisan sa makeup transformation kay Heart Evangelista

NA-AMUSE at naaliw ni Paolo Ballesteros ang mga Pinoy dahil sa Heart Evangelista makeup transformation niya in his new product endorsement as Miss Hurt.

But according to Paolo, copying Heart’s face was no joke. Mas madali raw kasing kopyahin ang mukha ng mga Hollywood celebrity.

“Ang makeup time ko siguro, more than two hours.

“‘Yung pagpa-practice ko actually ang mas matagal kasi bihira naman ako mag-makeup transformation ng mga Pinoy.

“Usually mga Hollywood celebrity kaya nahirapan talaga ako, lalo na si Heart na napakaliit ng mukha at malayo talaga sa built ko,” narrated Paolo.

Nang ipresenta raw sa kanya ang project, ini-suggest raw niya kaagad sina Mariah Carey, Angelina Jolie or si Regine Velasquez. ‘Yun raw kasi ang mga forte niya na talagang alam niya kung paano niya madadaya ‘yung kanyang pagkatao.

“Pero ‘yun nga,” he asseverated, “they explained to me the reason why si Heart talaga, kaya I tried my best and came up with Hurt.”

Any reaction sa mga comments na mas kamukha raw ni Cebu Governor Gwen Garcia si Miss Hurt compared kay Heart Evangelista?

“Naku, 2021 na! After ng mga pinagdaanan natin last year at pinagdaraanan pa rin natin ngayon, hindi masamang tumawa at tawanan ang mga bagay-bagay, lalo na ‘yung mga bagay na hindi naman makaaapekto sa mga buhay natin!” Paolo said in an amused tone.

“Kaya nga siya makeup transformation dahil make up lang ‘yung medium para mag-transform ‘yung face.

“Pinaka-effective siya sa pictures, pero siyempre kapag video na, hindi talaga ma-achieve dahil hindi ko naman binago ‘yung bungo ko ‘di ba? Hahaha!

“Saka this ad is puro kalokohan lang kaya huwag seryosohin. Noong pinapanood ko nga, e, rume-Regine pa rin, e, woooohhhh!”

According to Paolo, humingi raw ng permission ang kanyang creative team kay Heart para sa ginawa niyang makeup transformation.

On his part, ipinadala raw ni Paolo kay Heart ang picture niya bilang Miss Hurt, ang ‘the lady’ na laging may dalang “spare heart” sa kanyang cooler box.

“‘Yung creatives ang nagpaalam kay Heart kasi they were trying to get her yata talaga or parang ganoon.

“Tinanong ko rin sila, sabi nila ‘Yes, nakausap naman daw ‘yung team ni Heart.

“Actually, nag-DM (direct message) ako kay Heart ng selfie ko with the product na mas malapit sa look niya.

“Sinabi ko na ‘yun na talaga ang best ko. Baka naman kasi sabihin na niloko ko ‘yung hitsura niya.

“She was very gracious because she replied naman. Sabi niya, ang galing daw ‘tapos congrats and flattered daw siya.

“Ang cute nga, e, game siya. Pinost pa nga niya ‘yung billboard ko no’ng madaanan niya.”

In the end, Paolo thanked the Filipinos who were palpably amused, and praised her impersonation of Heart by way of her talent in makeup transformation.

“Nakakatuwa dahil it’s nothing serious.

“Nakakatuwa na na-embrace na ng mga Pinoy ang kalokohan natin dahil likas naman talaga sa ating mga Pinoy ang kalokohan. At para makita ‘yon sa mga ad at billboard, nakaaaliw.

“‘Yung sinundan naming ad ng product, in the same line din and, I think, doon nila na-confirm na talagang mas malakas ‘yung nagiging hatak kapag hindi seryoso ang mga ad.”

Kinampihan ang employee niyang sira ulo

Hindi na raw kami papansin ng taong ito dahil sa kanyang pagkampi sa kanyang empleadang sira ulo na nilait raw namin lately.

And so fucking what?

Mamamatay ba ako kung hindi niya papansinin?

Basta ako, I only fight if I am in the right. Daming kaokrayang ginawa ang babaeng ito na mukhang taxi dancer (belyas) kung manamit but I didn’t pay attention to her.

Sino ba naman kasi ang naunang maging close sa kanyang ma-chicks na amo kundi ako.

Karelasyon palang ng amo niya ang isang young actress, I was already writing for him.

Pero wala ngang sense of loyalty ang ‘di katangkarang lalaki kaya after a while he was entertaining other writers as well.

But I was the first one who acted as his PR but I didn’t mind if he was entertaining other movie reporters on the side.

Tapos ngayon, ini-ignore-ignore kami ng mukhang belyas na noselifted at pagkapangit-pangit ang gawa at nuknukan ng pagka-isnabera?

Manalamin ka muna sa mukha mo bago ka mang-isnab at sa posisyon mo sa industriya.

May narating ka na ba? Ano ba ang achievement mo kundi maging PR ng isang may edad na babae na hinaharangan mo ang invitations niya sa amin? Honestly, I’m not paying attention to this mal-educated, seemingly perpetually attired like a burlesque dancer aging woman even if she keeps on ignoring us in the many presscons that they are dishing out.

Kanya-kanyang panahon. And I don’t mind it because this is her time.

Kaya from now on, I won’t mind one fucking bit if I don’t get invited in the many presscons that they would be dishing out.

Isaksak niya sa malaki niyang bibig ang mga presscon na ‘yan hanggang mamuwalan siya.

I-enjoy mo ang konting kapangyarihan mo dahil hanggang diyan na lang ang mararating ng isang walang talent na nagkakaedad na babaeng tulad mo na ang ilusyon ay batang-bata siya at punong-puno ng ganda!

Yuck!

Paayos mong noselift mo, day!

Yosi-kadiri ka!

Babu!

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

 

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Herbert Batista Rene Boy

HB iniyakan ng matatanda at tinawag na Rene Boy

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IIYAKAN ang matatandang babae kay senatoriable Herbert Batista nang umikot siya sa Cebu City …

Blind Item, Mystery Man, male star

Baguhang male star na jutay at mahal sumingil ‘di na in sa mga beki

HATAWAN!ni Ed de Leon MATAPOS ang isang ginawang BL, wala na ngang narinig tungkol sa isang baguhang …

Derrick Monasterio, Ricky Martin

Derrick Monasterio pina-follow ni Ricky Martin ng Menudo

HATAWAN!ni Ed de Leon MUKHA nga yatang ang gusto nilang palabasin ay si Derrick Monasterio na ang pinaka-sexy …

Daniel Padilla

Daniel apektado ng cost cutting

HATAWAN!ni Ed de Leon KUNG napapansin ninyo, ang maraming projects ngayon ay iyong mga baguhang love teams, …

Bea Alonzo Tanduay Calendar Girl 2022 Feat

Bea kung kailan tumanda at saka nagpa-sexy

MATABILni John Fontanilla POSITIBO at negatibo ang reaksiyon ng netizens sa paglabas ng mga sexy photo ni Bea …

Leave a Reply