Saturday , November 27 2021

KC Montero, pinagtawanan lang ang netizens na nagsabing papalitan ang Laugh Out Loud ng It’s Showtime

Hindi maiwasang mag-isip ang viewers at netizens na kasunod na raw sa matsutsugi ang Laugh Out Loud right after na magpaalam sa ere ang tatlong programa sa Kapatid network.

Gumawa ng ingay nang ipalit sa SNL (Sunday Noontime Live) ang ABS-CBN musical-variety show na ASAP Natin ‘To.

Nag-join forces ang ABS-CBN at TV5 para magkaroon ng simulcast airing ang ASAP sa dalawang TV networks, gayondin ang Kapamilya movie block na FPJ: Da King.

Nagsimulang umere ang dalawang Kapamilya programs last Sunday, January 24, 2021 at TV5.

May mga nakapuna rin last Saturday, what was shown at TV5 was “the best of” LOL.

Does it mean, that LOL would follow suit?

KC’s chill Reply to the netizens: “We’re taping as you tweet.”

But of the six programs that were mentioned, LOL is the only show that is directly produced by Brightlight. The other five is merely line-produced.

Nevertheless, marami ang hindi naniwala kay KC.

Naalala nila ang pagsisinungaling nito nang maging host ng Miss Universe Philippines 2020 last October.

Ito ay matapos mag-leak sa social media ang pagko­korona sa Top 5 bilang winners.

Sa pre-taped program ng pageant, the five grand finalists were crowned for the people not to be able to guess who would be the real winner.

Bilang host, KC tweeted that some of the candidates who were crowned were not a part of the Top 5.

Ito ang sinasabing ‘pagsisinungaling’ ni KC dahil pawang Top 5 ang kinoronahan.

Isinumbat siyempre ito ng netizens, pero ganting hamon ni KC, “Sige… let’s see”

Pang-aasar pa ng isang netizen, “nope nang nope” si KC but time will come that It’s Showtime would eventually replaced LOL.

“Charot” pang-aasar pa ni KC.

May sagot naman si KC sa ginawa niyang pagsisinungaling sa national pageant.

“I lied on purpose to save the outcome of a pageant.

“I still don’t think it was wrong. The results were going to come out the next day so it’s not like I was trying to really get away with anything on just delay the outcome instead of let spoilers ruin everyone’s hard work.”

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Blind Item, Men

Aktor usap-usapan ang escapades sa mga gay designer at rich gays

HATAWAN!ni Ed de Leon USAP-USAPAN ang naging simula noon ng isang male star sa isang …

Andrew Schimmer Jho Rovero

Andrew nananawagan tulong sa asawa

HATAWAN!ni Ed de Leon NANANAWAGAN si Andrew Schimmer, na gumawa rin noong araw ng ilang …

Leave a Reply