Wednesday , June 24 2026

Iñigo at Moophs, nag-collab sa All Out of Love ng Air Supply

SA Pebrero 5, Biyernes ilalabas ni Iñigo Pascual ang version niya ng awiting All Out Of Love, ang sumikat na kanta ng Air Supply noong 1980 sa buong mundo.

Ramdam kay Inigo ang emosyong iniwan ng minamahal sa bagong pop version ng kanta na may tunog rap ballad hatid ng music producer na si Moophs gamit ang gitara.

Ang nasabing awitin ang una sa series ng Air Supply remake na nakatakdang gawin ng ABS-CBN Music sa ilalim ng Tarsier Records ngayong 2021. Alinsunod din ito sa inaabangang Valentine’s Day US campaign ng Air Supply.

Unang inawit ng British-Australian soft rock duo na Air Supply ang All Out Of Love at isinulat nina Graham Russell at Clive Davis. Inabot ng kanta ang no. 2 sa Hot 100 ng Amerika, naging no. 11 din sa Top 40 ng UK, at kinilala bilang 100 Greatest Love Songs sa 2003 list ng VH1.

Ang All Out Of Love na nga ang latest collaboration nina Inigo at Moophs, na kamakailan ay naglabas ng dancehall-pop tune na Always na naging bahagi ng The 100 Best Songs of 2020 ng Apple Music.

Kabilang din ang dalawa sa awiting RISE tampok ang international artists na sina Eric Bellinger (USA), Sam Concepcion (PH),  Zee Avi (Malaysia), at Vince Nantes (USA).

Sila rin ang nasa likod ng awiting Catching Feelings na mayroon nang higit sa 10 million streams sa Spotify at 100K dance challenge entries sa iba’t ibang social media platforms.

Patuloy si Inigo sa pagtataguyod ng kanyang musika sa global stage lalo na’t inaabangan ang ilalabas niyang Options album ngayong 2021 na nagtatampok sa mga kolaborasyon niya kasama ang iba’t ibang international artists.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …