Tuesday , June 25 2024

John En Ellen, copy cat ng John En Marsha?

AMINADO si John Estrada na na-miss niya ang comedy kaya naman natuwa siya na  sa wakas makagagawa siya via John En Ellen ng Cignal Entertainment kasama si Ellen Adarna na nagbabalik-showbiz.

Pagtatapat ni John, ”Na-miss ko ang comedy and I am glad gumagawa uli ako ng comedy show,” sambit ni John sa virtual press conference.

May pagkakahawig ang John En Ellen sa John En Marsha kaya naman natanong ang actor kung copy cat ba ito sa show nina Mang Dolphy at Nida Blanca.

Eto lang po ang sasabihin ko. Wala akong ambisyon na pantayan si Tito Dolphy. Wala po akong ganoong ilusyon o misyon. Sana huwag namang ikompara. Kung ang ‘John En Marsha’ noon ay masarap na adobo, ang John En Ellen’ naman ay masarap na sinigang,” paliwanag ng actor.

Noong Linggo ang pilot episode ng family entertainment na John En Ellen na isang family sitcom na hindi lang magbibigay ng katatawanan at aliw sa mga manonood kundi magbibigay halaga rin sa pagpapatibay ng samahan ng bawat pamilya.

Umiikot ang kuwento ng John En Ellen sa buhay ng mag-asawang John Lennon Kulantong (John) at Ellen Kulantong (Ellen) at kung paano nila maitataguyod ang kanilang munting pamilya sa kabila ng pakikialam ng mayamang negosyanteng si Don Lucky dela Suerte (Ronaldo Valdez), ang big shot na ama ni Ellen na kontrapelo sa mga plano ni John para sa kanyang pamilya.

Kasama ring magbibigay aliw sa John En Ellen sina Long Mejia; Haiza Madrid, at sina Yogo Singh at Angelina Cruz bilang mga anak nina John at Ellen.

Napapanood ang John En Ellen tuwing Linggo, 7:00 p.m. sa TV5.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

AR dela Serna Harry Roque

Sino nga ba si AR dela Serna na laging kasa-kasama ni Harry Roque sa Europe?

HATAWANni Ed de Leon MAY ilang nagpadala sa amin ng messages ilang araw na at …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *