Wednesday , June 26 2024

Tonz Are, humataw agad sa simula ng taon

PATULOY ang pagdating ng kaliwa’t kanang projects sa mahusay at masipag na indie actor na si Tonz Are.

Kahit may pandemic pa rin, humahataw si Tonz sa TV, pelikula, pati na sa endorsements.

Pahayag niya, “Nagpapasalamat ako kay God kasi balik-pelikula and TV po ako. Mayroon po akong project sa The 700 Club Asia sa GMA 7 Lenten special at maganda po ang role ko rito, kasi gaganap po akong isang medical staff na related po sa isang pasyente.”

Si Tonz ay napapanood din ngayon sa Pinoy MD ng GMA 7.

Pagka­tapos niyang sumabak sa BL series na Escort Duty, hahataw naman siya sa pelikulang Diego Visayas at sa Balud na prequel ng pinagbidahan niyang Rendezvous.

Kabilang sa mga naka-line up niyang proyekto ang Kwarto na isang BL series, sa direksiyon ni Carlo Alvarez, Mino na isang Visayan horror film, sa pamamahala ni Direk Romm Burlat, Abel na proyekto pa rin n Direk Romm, Tawabong ng Daydreamer Production at sa direksiyon ni Romeo Fregada, at iba pa.

Ang bago naman niyang endorsements ay ang La Rosa Homes Subdivision at VG’s Cebu lechon owned by Ms. Michelle Sanchez.

Nakangiting hirit ni Tonz, “Don’t forget din po ang business kong Balud Milktea, Tonz Tapsilogan – na magbubukas very soon ang isa pang branch sa Pael, Visayas Avenue, Quezon City, at ang Artizent Perfumes.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Poging BL Star nalaglagan ng poppers at lubricant habang pinagkakaguluhan ng mga faney

ni Ed de Leon IYON namang isang Poging BL Star, nagbakasyon yata sa abroad. Nasalubong siya roon …

Blind Item, Men

Young Male Star madalas sa orgynuman, fave imbitahan sa secret gay parties

ni Ed de Leon NAALALA tuloy namin ang isang tsismis pang narinig namin, iyong si Young …

Ronnie Liang Harry Roque AR dela Serna

Ronnie Liang nadamay lang sa usaping Harry at AR

HINDI naman daw date ang nakita sa video na magkasama sina Ronnie Liang at Harry Roque. Iyon pala …

KDLex KD Estrada Alexa Ilacad

KDLex marami pang proyektong kaabang-abang

HOTTEST Musical Pair ang taguri ngayon kina KD Estrada at Alexa Ilacad o mas kilala sa kanilang tambalang KDLex. Mula …

Kathryn Bernardo Barbie Forteza David Licauco

Barbie sa pagkokompara kay Kathryn—big honor for me, sana makatrabaho ko siya

GRABE pala ang paghanga ni David Licauco kay Kathryn Bernardo. Maging si Barbie Forteza ay wish nitong makatrabaho ang Box-Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *