Isolation facility sa Macapagal Blvd., sa Pasay City parang bartolina
Diyan po sa Macapagal Blvd., malapit sa MOA ay mayroong isolation o quarantine facility para sa mga CoVid-19 patients.
Mayroong dinadala diyan na asymptomatic habang ang iba naman ay severe.
Pero kapag nakita ninyo ang isolation facility mapagkakamalan ninyong bartolina sa sobrang init.
Gawa kasi sa container van ang mga kuwarto at saradong-sarado. Hindi natin maintindihan kung bakit hindi inayos ang ventilation lalo na ngaβt minimal ang paggamit ng airconditioning unit.
Marami tuloy ang natatakot na mag-stay sa nasabing isolation facility na ang ibig sabihin sayang ang ginastos ng pamahalaan.
Hindi pa naman siguro huli ang lahat para ayusin ang ventilation ng facility na βyan.
Again, Health Secretary Duque, umaksiyon ka naman at please ayusin nβyo naman ang trabaho ninyo!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
BULABUGIN
ni Jerry Yap
