Thursday , June 4 2026

Misteryo ni Kenneth sa Carpool, ibinahagi

IPINAKILALA sa amin sa pamamagitan ng mediacon ng TV5 ang isa sa aabangang programa sa estasyon simula sa Nobyembre 26, 2020, 9:30 p.m. tuwing Huwebes ng gabi.

Sari-sari na nga ang dating ng “horror feels” sa mga sitwasyong ginagalawan na natin dahil sa pandemya at kalamidad.

At mag-horror feels din na ibabahagi sa atin ang Carpool na tatampukan nina Sarab Carlos, Alex Diaz, Kate Lapuz, at Kenneth Medrano, kasama si Elora Españo.

Suspense thriller ang iikutan ng mga katauhan sa istorya na makapagpa-isip sa mga manonood sa bawat ikot at galaw nila.

Ano-ano ba ang misteryong dala ng apat na magkakasama sa isang sasakyan na kinakalampag na siyang magtatahi-tahi sa kahahantungan nila sa dulo ng kanilang lakbayin.

Nagkuwento naman ang stars sa mga “horror” encounters nila for real. At lahat sila eh, naniniwala naman sa multo.

Ang may magandang kuwento sa pagkakasama niya sa proyekto ay si Kenneth. Dahil “gay role” ang ibinigay sa kanya sa Carpool. Na hindi nga niya mapaniwalaan na magagawa pala niya.

“’Yung karakter ko as Terence, hindi tanggap ng tatay niya. Kaya natuwa naman ako when the role was given to me. Iba in the sense na hindi naman papogi ang gagawin ko. Kaya rin fulfilling kasi pina-audition talaga ako for this. 

“Ang makare-relate ako, ‘yung jeep pool ko noong estudyante pa ako sa Cebu. ‘Yung hindi ako makabayad kasi wala kaming pera. Roon ako pumapara sa tapat ng bahay namin para takbo agad ako sa bahay.  

“Ang kinatatakutan ko naman lagi, ‘yung madalas ako bangungutin noong bago pa lang ako sa Manila. Hanggang nagpakita na sa akin ang Lolo ko. Tapos nawala na.”

Sila ang apat na college students. Hindi magkakakilala. May kanya-kanyang mga buhay. Magkakaibang mga pangarap.

Nagsama sa isang sasakyan. Isang landas ba? Saan papunta? At sino ang sumundo sa kanila?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …