Saturday , October 1 2022

Sa pagbabalik ng MMK, Sylvia at Arjo Bida sa First Episode! (Sylvia nagbukas ng bagong branch ng Beautederm store sa SM North Edsa)

After magkamit ng awards ang mother and son na sina Sylvia Sanchez (Gawad Pasado Pinakapasadong Aktres sa Teleserye) at Arjo Atayde na kasama naman sa National winners sa Best Actors sa Asian Academy Creative Awards, na kinabibilangan ng pitong mahuhusay na actors sa buong Asya.

Matapos ang walong buwang pag-aantay ay bibibida sina Sylvia at Arjo sa first new episodes ng MMK29 hosted by Ms. Charo Santos, na mapapanood ngayong Sabado, Nov.28.

Tunghayan ang kwento ng extra ordinaryong pangarap at pag-asa ng isang ina, na gagampanan ni Sylvia para sa kanyang mga anak na sina Arjo, Hero Angeles at Aldrin Angeles.

Sa Teaser pa lang ay kailangan habang pinapanood niyo ito ay may hawak kayong panyo at babaha ng luha sa episode na ito na puno ng inspirasyon. Kasama rin sa cast si Jane de Leon at mula ito sa direksyon ni Dado C. Lumibao.

Muli ay ipapakita ni Arjo ang husay at galing sa pag-arte sa episode na ito ng Maalala Mo Kaya.

Ilang beses na ring pinatunayan ni Sylvia ang tatak niya bilang isa sa pinakamahusay nating actress sa industriya ng telebisyon at pelikula.

Samantala recently lang ay pormal ng binuksan ang bagong branch ng Beautederm Store ni Sylvia sa SM North Edsa Main Bldg at nasa Lower Grand Level sila ng said mall.

Sinuportahan si Ibyang(tawag namin sa actress) sa kanilang opening ng mga anak na sina Arjo at Ria Atayde at ng ilang kaibigan.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply