Friday , September 30 2022

Jona’s Pasko Na Sinta Ko version, lalong nagpa-antig sa istorya ng Paano ang Pasko

FIRST time in history na magkakaroon ng Christmas teleserye ang TV5, ang Paano ang Pasko, kaya excited ang IdeaFirst producers na sina Direk Jun Robles Lana at Perci Intalan dahil sila ang pinakiusapang gumawa nito ng Cignal head channel na si Ms Sienna Olazo.
Kuwento ni Direk Perci, “Gusto kong bigyan ng credit ang TV5 and Cignal because sila ‘yung nagsabi sa akin na ang pagkakasabi sa akin ni Ms. Shen Olazo (Cignal head channel), ‘alam ko malapit na ang Pasko, kaya mo bang bumuo ng soap?’ Punta kaagad ako kay Jun, kaya ba nating bumuo ng soap?  September na, ber months na!  Kumakanta na si Jose Mari Chan, sisimulan palang natin ang script. But honestly, it’s the kind of faith and kind of challenge that drive us, so I’m really grateful that they (TV5) took a chance.”
Gagawa rin ng Christmas ID ang TV5 pero hindi na sina direk Perci ang naka-toka roon, “mayroong inihahanda ang marketing.”
Going back to Paano ang Pasko, natanong namin kung bakit niya napiling si Jona ang kumanta ng themesong na Pasko Na Sinta Ko sa virtual presscon ng nasabing serye.
Sabi ni direk Jun, “Well, we needed ang anchor, eh. We needed a song that will encapsulate ng emotions na gustong iparating ng kuwentong ito. It’s to celebrate Christmas but at the same time may poignancy, kaunting lungkot because of what we all going through you know, this is a story about family na matagal nagkahiwalay and now during the pandemic, they are forced to meet together, they’re isolated. Pre-pandemic palagay ko karamihan sa atin we never had really that much time with our family and then when the pandemic happened, nakuha natin lahat ng oras na gusto nating makasama.
 
Many struggles sometimes when you’re all together hindi lang naman kayo magiging close pero you are forced to confront your issues, your problems and everything, so we needed that kind of song that will encapsulates all of that perfect talaga ‘yung song.
Napanood ko na ‘yung pilot kaninang 6AM, I would like to congratulate everyone, mga direk, ang gagaling.  It’s such a beautiful pilot, I’m so excited na mapanood ito ng mga tao, gising na gising ako kaninang 6AM, kino-congratulate ko ‘yung mga tao.
 
“’Yung lang naman ‘yun, kailangan mo ng isang kanta na tatagos at mararamdaman mo ang mga tao.”
Sa direct message namin kay direk Perci ay nagustuhan ni direk Jun ang version ni Jona na orihinal na kanta ni Gary Valenciano.
Alam mo gusto talaga namin from the start na si Jona ang kumanta. May nakita yata si Jun na performance niya ng ‘Pasko Na Sinta Ko’ sa YouTube at sobrang nadala siya na napaka/emotional ng pagkanta niya,” sambit sa amin.
Ang buong cast ng Paano ang Pasko ay sina Beauty Gonzales, Maricel Laxa, Julia Clarete, Ejay Falcon, Matt Evans, Danita Paner, Danita Paner, Justine Buenaflor, John Lapuz, Cedric Juan, Devon Seron, at Elijah Canlas. Ang mga direktor ay sina direk Perci, Ricky Davao at Eric Quizon mula sa panulat ni direk Jun produced ng IdeaFirst Company, TV5 at Cignal na mapapanood na sa Lunes, Nobyembre 23.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply