Tuesday , February 7 2023

Sean de Guzman, napagkamalang tunay na anak ni Allan Paule

MASUWERTE ang baguhang si Sean de Guzman, bida sa pelikulang, Anak ng Macho Dancer na ididirehe ni Joel Lamangan dahil makakasama niya ang mga bigating artista noong araw na sina Rosanna RocesJay ManaloJaclyn Jose, at Allan Paule.

 

Si Allan ang nagbida sa Macho Dancer kaya siya ang gaganap na ama ni Sean. Marami ang nakapansin na malaki ang hawig ni Sean kay Allan kaya marami ang nagtatanong kung tunay bang anak ng actor si Sean.

 

Ang nakaiintriga pa, De Guzman din ang tunay na apelyido ni Allan.

 

Kung tutuusin, second choice lang si Sean dahil may nauna ng napili si Joed Serrano, ang producer ng Anak ng Macho Dancer, si Miko Samonte na naunang nag-audition para sa pelikulang ito.

 

Subalit sa pagsasayaw ni Sean na animo’y isang ahas at ganoon nalamang kalambot ang katawan, marami ang napabilib.

 

Twenty years old pa lang si Sean at may talent sa pagkanta at pagsayaw at kitang-kita ang kainosentahan sa batang ito kaya tamang siya ang maging bida sa Anak ng Macho Dancer.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Check Also

Princess Zian

Princess Zian game sa sexy genre, pati na sa drama at comedy

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio FIRST movie ng newcomer na si Princess Zian ang pelikulang …

Jillian Ward

Dance video ni Jillian humahakot ng views

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY na humahakot ng napakaraming views ang Abot Kamay Na Pangarap videos sa TikTok. …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth umamin may namamagitan na sa kanila ni Francine

MA at PAni Rommel Placente AMINADO si Seth Fedelin  na naiinis siya kapag sinasabi ng iba …

Jillian Ward

Debut ni Jillian Ward kakaiba, 700 ang guests

I-FLEXni Jun Nardo PASABOG ang dami ng bisitang gustong maging guest ng Kapuso star na si Jillian Ward sa …

Blind Item, Male Celebrity

Male starlet bokya na sa career, zero pa kay BF

ni Ed de Leon HALOS gabi-gabi, naglalasing ang isang male starlet. Bukod kasi sa walang mangyari …

Leave a Reply