Tuesday , January 31 2023

Dolphy, Eddie Garcia, et al pararangalan ng FDCP sa PPP4

PITONG haligi sa mundo ng showbiz ang bibigyang-pugay ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pangunguna ng chairman nitong si Liza Diño, sa pamamagitan ng Tribute Section sa Pista ng Pelikulang Pilipino 4 (PPP4).

 

Ang pitong yumaong showbiz icons at haligi ng Pelikulang Pilipino ay ang Comedy King na si Dolphy, multi-awarded actor-director na si Eddie Garcia, award-winning veteran actress na si Anita Linda, actress-singer-producer Armida Siguion Reyna, veteran actress Mona Lisa, Direk Marilou Diaz-Abaya, at Direk Peque Gallaga.

 

Tampok sa Tribute Section ng PPP4 ang mga pelikulang Captain Barbell (restored version) ni Jose ‘Pepe’ Wenceslao (for Dolphy), Deathrow ni Direk Joel Lamangan (for Eddie Garcia), Adela ni Direk Adolfo Alix, Jr. (for Anita Linda), Filipinas by Joel Lamangan (for Armida Siguion-Reyna), Insiang ni Direk Lino Brocka (for Mona Lisa), Muro-Ami ni Direk Marilou Diaz-Abaya (for Marilou Diaz-Abaya), at Sonata by Peque Gallaga and Lore Reyes (for Peque Gallaga).

 

Ang naturang mga pelikula ay kabilang sa halos 200 pelikula na tampok sa PPP4 at mapapanood online sa FDCP channel.ph simula 31 Oktubre. Ayon kay Chair Liza, bukod sa pagtatampok sa kanilang mga pelikula, bibigyan din ng tribute at pagkilala ang pitong pumanaw na haligi ng Pelikulang Pilipino sa isang programa na bahagi rin ng PPP4.

 

Samantala, ang PPP4 ay may subscription options gaya ng Premium Festival Pass (P599) na magbibigay ng access sa lahat ng content, kasama ang Premium films at events.

 

Simula 31 Oktubre, inaalok ng PPP4 ang Half Run Pass (P299), Day Pass (P99), at Free Pass (para sa short films, public events, at iba pang libreng content). Ang persons with disabilities (PWDs) at senior citizens ay makakukuha ng 20% discount at ang mga estudyante ay magkakaroon ng 30% discount.

 

Ang PPP ang flagship event ng FDCP. Ang Event Partners nito ay Glimsol Web & Digital Solutions, Team On Ground, at Dragonpay na official payment gateway ng PPP4. Para sa updates at karagdagang impormasyon, bumisita sa FDCPchannel.ph o facebook.com/FDCPPPP.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Lito lapid Jessie Chua Mark Lapid

Sen Lito Lapid ‘di pwedeng kalimutan ang showbiz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAKA-TOUCH naman si Sen. Lito Lapid. Matagal pa ang Valentine pero parang …

aldub alden richards Maine Mendoza

Alden itinangging ikinasal at may anak kay Maine

RATED Rni Rommel Gonzales SA wakas ay nagsalita na at tinapos na ni Alden Richards ang walang …

Vin Abrenica Sophie Albert

Vin Abrenica at Sophie Albert ikinasal na

MATABILni John Fontanilla NAG-ISANDIBDIB na noong Miyerkoles sina Vin Abrenica at Sophie Albert makaraan ang ilang taong pagsasama. Hindi …

Cassy Legaspi Darren Espanto

Cassy aminadong boyfriend material si Darren

MA at PAni Rommel Placente MAGKAIBIGAN nga lang ba sina Cassy Legaspi at Darren Espanto kahit na madalas silang …

Jeremy Luis Marikit

Ex-Starstruck Jeremy Luis muntik mag-quit sa showbiz

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na muling mag-focus sa kanyang showbiz career ang guwapong dating Starstruck Batch 7 …

Leave a Reply