Tuesday , September 27 2022

22 Navoteños, nabigyan ng bike at cellphone  

LAKING-TUWA ng 22 Navoteños mula sa informal work sector nang mabigyan sila  ng libreng bisikleta at android mobile phones mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

Ito ay proyekto sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency  Employment Program o FreeBis (Bisekletang Panghanapbuhay) ng DOLE.

 

Pinangunahan nina Navotas congressman John Rey Tiangco at DOLE CAMANAVA Director Rowella Grande ang pamamahagi ng mga bisikletra at cellphone.

 

Ayon kay Cong JRT, maaaring gamitin ng mga benepisaryo ang bike at cellphone para makatulong sa kanilang online o loading business.

 

Ang FreeBis bikes ay kompleto ng mga gamit kasama ang helmet, raincoat, vest, water bottle, at thermal bag. Nakatanggap din ang mga benepisaryo ng android mobile phone na may P5,000 load.

 

Kaugnay nito, sampung frontliners na naglilingkod sa Navotas City Hospital at City Health Office ang nabiyayaan ng bike ni Navotas Mayor Toby Tiangco.

 

“Ito ay bilang pagbibigay-pugay sa kanilang pagsasakripisyo at pagsisilbi sa atin sa kabila ng panganib at hirap na dulot ng CoVid-19. Lubos po tayong nagpapasalamat sa kanila at dasal natin na lasi silang ligtas sa mga sakuna,” pahayag ni Mayor Tiangco. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

SM Kultura Filipino Design

Championing Filipino design brilliance: Kultura and its Filipino Design Studio

SUSTAINABILITY can come in many shapes and sizes. What’s important is the intent, the execution, …

BEAUTY GONZALEZ Rhea Tan

BEAUTY GONZALEZ ROLE MODEL SI MS. RHEA TAN, 
bagong mukha ng Beautéhaus

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SI BEAUTY GONZALEZ ang bagong mukha na kakatawan sa BeautéHaus …

Beautederm Rhea Tan Vigan

Lorna, Jelai, Buboy, JC, Ejay, Jana nag-enjoy sa Vigan 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga NAG-ENJOY nang todo sa kanilang trip sa Vigan City, Ilocos Sur …

SM 100 days of hapiness

SM SUPERMALLS BEGINS 100 DAYS OF HAPPINESS  
Officially starts the Christmas countdown by creating a circle of happiness among Filipinos

To kickstart the Christmas countdown, SM Supermalls began its 100 Days of Happiness today, September …

Sharp 110th anniv feat

Sharp celebrates its 110 years of transforming lives

SHARP Corporation celebrates its 110th year anniversary. In its celebration, Sharp has introduced a new …

Leave a Reply