KTV bars/club sa Ermita at Malate, may ilaw at kumukuti-kutitap na?!

Puwede na palang mag-operate o magbukas ang KTV bars?! May inilabas na bang guidelines ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID)?

        Itinatanong natin ito, kasi ito po ang natanggap nating impormasyon.

        Bukas na raw po ang KTV bars at clubs sa area ng Ermita at Malate. Bukas na ang mga ilaw at kumukuti-kutitap na.

        Akala ko bawal pa? Bakit bukas na?!

        Paging IATF, paki-inspeksiyon lang po ang Ermita & Malate area!

[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
BULABUGIN
ni Jerry Yap