Monday , January 24 2022

Dumbo, ipagpo-prodyus ng pelikula ni Arjo Atayde

NANG walang mauwian ang assistant director ng It’s Showtime na si Dumbo, kina Sylvia Sanchez siya pansamantalang nanuluyan at labis niya itong ipinagpapasalamat dahil hindi lang basta katrabaho at kaibigan ang turing sa kanya, kundi Kapamilya.

Sa guesting ni Sylvia sa programang Magandang Buhay nitong Oktubre 12 ay isa sa napag-usapan kung sino ang nabahaginan niya ng blessings, isa na nga si Dumbo na gusto siyang pasalamatan.

Sabi ni Dumbo, ”Tita lagi ko namang sinasabi sa ‘yo na sobrang suwerte ko dahil napalapit ako sa ‘yo, sa Atayde sobrang salamat po dahil isa lang akong empleado, si Dumbo lang naman ako pero iba ‘yung trato mo sa akin na pamilya, anak. Sobrang nagpapasalamat talaga ako at sa buong Atayde.  Noong wala akong mauwian, sabi mo, ‘rito ka sa bahay, kumain ka riyan. Ganoon po siya (Sylvia) kaya talagang thank you po sa inyo, tita.’”

Hirit naman ng isa sa host ng MB na si Karla Estrada, ”matatakot ka na lang talagang hindi sumunod dahil sisigawan ka niya!” na sinang-ayunan naman ni Dumbo.

“Sobrang salamat po tita, I love you so much po, tita,” sabi pa ni Dumbo.

Ayon naman kay Sylvia, ”Huwag mo laging sinasabi na sino ba naman ako? Si Dumbo lang ako. Sa pamilya wala ‘yung sikat, wala ‘yung mahirap basta sa pamilya hindi tayo magtitinginan ng ako si Sylvia, ikaw si Dumbo ka lang. ‘Pag minahal ko, mahal ko kahit sino ka pa.”

Dagdag ni Karla, ”si Dumbo lagi nating nakikita rito sa ABS-CBN eh, bihira ka rin naman kasi makakita sa trabaho natin na magkakaroon ng bagong family.”

Binanggit din ng empleado na isa rin si Karla sa angels niya.

Binanggit din ni Ibyang na sobrang mahal ng mga anak niyang sina Arjo, Ria, Gela, at Xavi si Dumbo.

At dito na ini-reveal ng nanay ng magkakapatid na ikinagulat ni Dumbo, ”sasabihin ko na, si Arjo balak i-produce si Dumbo.”

“I-produce po ng ano, tita?” natawang tanong ng empleado.

Sabi pa ng aktres, ”sabi ni Arjo, ‘mommy, may future si Dumbo. Sobra siyang mahal ni Arjo.”

“Ano naman ang masasabi mo, Dumbo?” tanong ni Melai Cantiveros.

“Hindi ko pa po ano (masabi), abangan n’yo po ‘yan excited din po ako,” masayang sagot ni Dumbo.

Ngayong taon pala dapat ang planong pelikulang ipo-prodyus ni Arjo pero dahil nagkaroon ng Covid-19 pandemic kaya naurong ito sa 2021.

“Deserved mo ‘yan kasi ‘yan ang tinatawag na timing, in God’s perfect time kaya deserve mo ‘yan,” sabi naman ni Karla kay Dumbo.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Kevin Santos wife

Kevin ikinasal na sa non-showbiz GF

REALITY BITESni Dominic Rea KILALA niyo ba si Kevin Santos o Kayvin Acupicup Santos sa totoong buhay na produkto …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Pagli-link kina Rayver at Julie Anne sablay

REALITY BITESni Dominic Rea MUKHANG hindi umobra ang pagli-link kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. After …

Bryan Termulo

Bryan Termulo tour guide sa Amerika Pagkanta hinahanap-hanap

MATABILni John Fontanilla MISS na ni Bryan Termulo ang local showbiz ngayong nasa Amerika siya at doon …

Aileen Papin DoLE TUPAD

Aileen kinokondina maruming pamomolitika sa TUPAD

HARD TALKni Pilar Mateo ISA pang Papin, na tumatakbo naman sa ikatlong Distrito ng CamSur …

Heart Evangelista Nadine Lustre

Heart at Nadine kakampinks

I-FLEXni Jun Nardo INILABAS na nina Heart Evangelista at Nadine Lustre ang totoong kulay nila sa darating na eleksiyon …

Leave a Reply