Thursday , October 6 2022

Andrew di susuko sa pandemic, tutok sa Releaf Massage and Nail Spa at Kusina Express business

BUKOD sa kanyang showbiz career, nakatutok ang Kapuso actor na si Andrew Gan sa kanyang business. Aminado siyang naapektuhan nang husto ng pandemic.

Si Andrew ang isa sa actor/businessman na nasagasaan nang husto ng pandemic. Ang spa business niya ay kabubukas pa lang halos nang magkaroon ng Covid19.

Lahad ni Andrew, “Medyo hindi maganda ‘yung epekto, siyempre na-depress ako and patay din ang negosyo. Kaya gumagawa ako ng ibang way-bilang culinary graduate ako, ginagamit ko siya ngayon sa food business para may extra-income. Kasi continuous pa rin ang rental fee sa kakapundar lang na spa business, eh. Masakit na sa bulsa, hehehe.”

Ngayon ay muli niyang binuksan ang kanyang Releaf Massage and Nail Spa. At dahil isa siyang culinary graduate, nagbukas din si Andrew ng Kusina Express by Drew. Sa mga gustong mag-order, icheck lang ang kanyang FB page.

“Mag-one week pa lang po open yung spa. Pero matumal pa ang client dahil sa pandemic. Kaya sana matapos na ito, ang hirap po ng buhay,” saad niya.

Wika pa ni Andrew, “Then, yung Kusina Express by Drew, mag-one month pa lang po… for delivery lang po, sa online lang po ang orders.”

Ano ang specialty nito? “Iyong Cremoso Beef Kaldereta tito at mayroon ding iba pa like sinigang. Ang kaibahan po nito? May twist. Hehehe!”

May time ba na parang gusto na niyang mag-give up sa nangyayari ngayon?

Sagot ni Andrew, “Wala akong karapatan mag-give up tito, dahil marami riyan mas mahirap ang pinagdadaanan. Pero still, patuloy pa rin sila… at the end of the day, blessed pa rin tayo dahil may natutuluyan at may nakakain pa rin tayo.”

Anyway, si Andrew ay bahagi ng forthcoming movie na Crazy In Love With You, starring Claire Ruiz, Miko Raval, Mike Lloren, Ariella Arida, Tanya Gomez, Coleen Perez, John Arcenas, at iba pa.

Ang pelikula ay pamamahalaan ni Edward James (EJ) Salcedo, line producer dito si Mike Lloren, at isinulat mismo ng executive producer nitong si Ms. Romina Wilcox.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Jillian Ward

Jillian binulyawan ng doktor

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN ng isang content creator na isa ring doctor na si Dr. Alvin …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Dating sikat na matinee idol suki ng mayayamang bading sa car fun

ni Ed de Leon “KAILAN ba siya babalik sa Pilipinas? Nami-miss na namin siya,” tanong ng …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin sumailalim sa angioplasty

HATAWANni Ed de Leon NAKAKA-CONFUSE iyang lumalabas sa social media na sinasabing naoperahan sa Asian …

MTRCB

Sa paggawa ng pornograpiya
‘PINAS KA-LEVEL NA NG JAPAN, SK, CHINA

HATAWANni Ed de Leon NATURAL umaangal ang mga gumagawa ng mga pelikulang soft porn na …

Mike Tan

Mike tinupad pangarap na makapagtapos

MATABILni John Fontanilla FEELING nasa cloud 9 ang Kapuso artist na si Mike Tan dahil nagtapos na siya sa …

Leave a Reply