Friday , September 30 2022

Bahay ni Paolo, parang higanteng Christmas gift

CHRISTMAS is fast approaching. AT dahil pumasok na ang buwan ng ber, ilang tulog na lang at Christmas na! Kaya naman kanya-kanya ng dekorasyon sa mga bahay ang ginagawa ng bawat Pinoy kahit na may Covid-19.

Pero para na rin sa spirit of Christmas at para magdala ng goodvibes sa bawat pamilyang Pinoy, maraming Pinoy ang maagang naglagay ng Christmas decorations.

At isa nga sa talaga namang kapansin-pansin at naging instant attraction ang bagong bahay ng Dabarkads na si Paolo Ballesteros. Nagmistulamg higanteng regalo ang bahay nito dahil na rin sa giant red ribbon na inilagay sa kanyang bahay na umiilaw sa gabi, kaya naman kung titingnan iyon, talaga namang napakalaking regalo.

Habang ang kabilang side naman ng bahay nito ay nilagyan ng napakalaking ilaw, kaya naman pagsapit ng gabi , nagdudulot ito ng saya at goodvibes sa mga taong nakakikita na ‘di maiwasang magpalitrato.

Sa gitna nga ng pandemyang ating kinahaharap, hindi pa rin maawat ang mga Pinoy na mag;agay ng kanya-kanyang dekorasyon para sa darating na Kapaskuhan para na rin magdala ng good feelings sa bawat isa bukod pa sa isa rin ito sa nagpapaalala na ito ang araw ng kapanganakan ni Hesukristo na ating tagapagligtas at magliligtas sa atin sa bawat problema.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply