Paolo Contis, pahinga muna sa comedy

TIME out muna si Paolo Contis sa comedy. Ang husay sa drama naman ang ipakikita niya sa The Promise episode ng weekly Kapuso drama I Can See You simula ngayong gabi.

Eh among the cast (Andres Torres, Benjamin Alves, at Yasmien Kurdi), si Paolo ang pinaka-senior sa lahat.

Kaya habang nasa lock-in taping, lumutang ang pagiging kuya sa lahat ni Paolo.

“I bring food and check on everyone. More than anything else, I want them to be happy,” pahayag ni Paolo na entertainer ng lahat kapag break sa taping.

I-FLEX
ni Jun Nardo