Thursday , June 4 2026

Tonz Are hataw sa pagkayod, walang keber kung maliitin ng iba

MADALAS na ukol sa work at business ang makikita sa FB ng award winning indie actor na si Tonz Are. Last week ay ukol sa Filipay ads niya ang nakita namin, kaya inusisa namin si Tonz hinggil dito.

Kuwento niya, “Bagong commercial ko po iyon, last year pa siya pero ila-launch pa lang po kapag okay na ang pandemic. Ang Filipay po, parang Gcash siya.

“Actually, nag-operate na siya, na-stop lang dahil sa pandemic. Kaya yung launching din nito ay na-move.”

Bukod sa kanyang Tonz Tapsilogan at iba pang ulam, nagtitinda rin si Tonz ng mga gulay, chorizo Cebu, Special bagoong, chilli garlic sauce, gourmet tuyo, shorts, Uratex unan, steel cabinet, at iba pa.

Very soon ay magkakaron din siya ng milk tea at coffe jelly na tatawagin niyang Balud, na mula sa kanyang award-winning character sa pelikulang Rendezvous.

Ano ang magiging reaction niya kung maliitin siya ng iba?

Tugon niya, “Hahayaan ko lang sila ‘tay, basta ako proud ako sa ginagawa ko and basta para sa pamilya po, kahit maglako ako nang maglako ng paninda ko ay ‘di ako mahihiyang magtinda. Lalo na sa sitwasyon po ngayon na kapag wala kang diskarte sa buhay, gutom ka.”

Deklara pa ni Tonz, “Actually, proud ako kasi marangal po na trabaho iyan and sanay naman ako sa hirap, kasi rati pa naman nagtitinda na rin ako. Nagsisikap talaga ako para sa pamilya ko and proud ako na dahil sa pinagpaguran ko, natutulungan ko ang pamilya ko.

“Kaya habang pandemic, mas pursigido pa po ako. Like this week, start na rin yung milk tea ko and coffee jelly. Bale online muna and delivery kami, kasi bawal pa mag-dine in.

“Sobrang thankful and happy ako sa mga ginagawa ko, blessings din ito galing sa Itaas. Naniniwala talaga ako na sa panahon ngayon, kung mahihiya ka, gutom ang aabutin mo at dapat marunong kang dumiskarte lagi sa buhay.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …