Sunday , February 25 2024

TV5, naka-total lock down; Show ni Tulfo, ‘di muna mapapanood

PAHULAAN sa mga empleadong taga-TV5 na bukod sa kasamahan nilang nag-positibo sa Covid-19 ay may taga-production din na positive at inaalam kung ano sa mga programang umeere ngayon na dahilan kung bakit total lockdown ang Kapatid Network simula nitong Miyerkoles, Agosto 26 at babalik na ang operasyon ngayong araw, Biyernes.

 

Inanunsiyo ito ni Raffy Tulfo sa kanyang FB page na totally lockdown nga ang TV5 kaya hindi mapapanood ng live ang Idol in Action sa ONE PH at TV5, Wanted sa Radyo sa Radyo5 at ONE PH dahil sa magdi-disinfect ang network sa loob ng dalawang.

 

Naalala nila ang ex-Pinoy Big Brother na si Baninay na nakatalakan ni Pokwang sa Twitter kamakailan dahil nga nag-guest ito sa game show nilang Fill in the Bank na baka siya ang nagdala ng sakit at nahawa ang taga-production.

 

Bagama’t nabanggit naman ni Baninay na late upload iyon ay hindi pa ring naiwasang hindi magalit sa kanya ang isa sa host ng Fill in the Bank na si Pokwang pero nagkaayos naman na.

 

Ang episode ni Baninay at ng kapwa vlogger na si Krissy Achino ay mapapanood na sa Lunes, Agosto 31, 7:30 p.m. kasama sina Fill in the Bank hosts “Manedyer” Jose Manalo at “Madam Poky” Pokwang.

 

Sa Setyembre 2, tuloy-tuloy ang tawanan kasama ang standup comedians na sina Toni G at Afril na magtatagisan ng galing upang maiuwi ang papremyong Php150,000.

 

Tampok naman sa Fill in the Bank sa Setyembre 4 ang business partners na sina Alphard Robles at Jericho Tabangcura na magpapamalas ng husay sa pagpapaikot ng pera  na may hatid na kakaibang ayuda at PPE (Personal Protective Equipment) sa pamamagitan ng nakaaaliw na laro gamit ang Ayuda Teh! Machine (ATM) at Panghakot na Papremyo Equipment (PPE).

 

Malapit na ring manalo bilang home partners ang mga televiewer na tatawaging “Juan Partner,” na puwedeng tumaya sa paboritong kalahok sa pamamagitan ng social media para sa pagkakataong manalo ng Php5,000. Para sa karagdagang kaalaman at kasiyahan, manood ng Fill in the Bank tuwing Lunes, Miyerkoles, at Byernes 7:30 p.m. sa TV 5.

 

Para sa mga mahihilig sa sports, tampok sa Bawal na Game Show sa Setyembre 1 ang mga bagong pasaway na Cignal HD Spikers na sina Jheck Dionela, Alfred Valbuena, at Marck Espejo, makikigulo rin  ang hosts na sina Bebe Ghorl Wally Bayola at Barby Ghorl Paolo Ballesteros at tunghayan ang aksiyon sa  Bawal Ma-Fall, Bawal ang Da Moves, Bawal ang Sablay, Bawal ang Sumuko, at Bawal na Roleta.

 

Ang mga televiewer ay malapit na ring mabigyan ng pagkakataong pumili ng paborito nilang pasaway at parehong manalo ng papremyo.

 

Para maging Bawal Lumabas home partner, mag-post lamang ng litrato sa social media ng “bawal pose” ng Ghorl Twins na iaanunsiyo ng hosts sa show.

 

Alamin kung paano pa maaring manalo ng mga papremyo at iba pang mga nakababaliw na bawal sa Bawal na Game Show tuwing Martes at Huwebes 7:30 p.m. at tuwing Sabado 7:00 p.m.. sa TV5.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Anthony Davao

Pamangkin ni Ricky na si Anthony Davao may K magpa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales WALA pa sa showbiz ay nakakasama na namin ang Vivamax actor na si Anthony …

Beauty Gonzales Kelvin Miranda

Beauty Gonzales wala ng balak mag-anak pa—Gusto ko rin magpa-bebe

WALA na raw balak mabuntis at magka-anak pang muli ni Beauty Gonzales. Masaya na ito sa nag-iisa …

McCoy de Leon Elisse Joson Felize

McCoy sobrang nasorpresa sa birthday party na inihanda ni Elisse 

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang guwapo at mahusay na aktor na si McCoy de Leon sa surprised …

Rhea Tan Beautéderm

Rhea Tan ibinahagi tips sa matagumpay na negosyo

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginawang Chinese New Year at 1st Anniversary ng kanyang seven …

Martin del Rosario Liezel Lopez

Martin del Rosario non-showbiz ang mas feel maging GF

RATED Rni Rommel Gonzales LOVELESS pa rin si Martin del Rosario. “Single pa rin, pero nagdi-date …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *