Friday , July 26 2024

Alden Richards, dasal ang panlaban sa anxiety

HINDI nagdalawang aminin ni Alden Richards na katulad ng ibang artista ay dumating din sa punto na nakararamdam siya ng anxiety dahil sa Covid-19 pandemic.

Kaya naman gumawa siya ng mga bagay para labanan ito, katulad ng paglalaro online na isa ngayon sa kanyang kinahihiligang gawin.

Bukod paglalaro ng online games, parati rin siyang nagdarasal para protektahan siya, ang kanyang pamilya, kaibigan, katrabaho, at kamag- anak lalo na ngayong pandemya.

Ayon kay Alden, “Huwag ny’o pong tatanggalin ang ugaling pagdarasal, kausapin niyo po ang Diyos, masarap kausapin si Lord. ‘Yung tenga naman po ng Diyos laging bukas ‘yan, sabihin mo lang lahat ng nasa loob mo para gumaan.”

Kaya naman ang payo ni Alden sa lahat ng may mga pinagdadraanan ngayon, nadi-depress o nakararamdam ng anxiety, kausapin lang ang Diyos para gumaan ang pakiramdam at maibsan kung ano mang hindi magandang nararamdaman.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *