Monday , January 24 2022
SINIMULAN nang ilunsad ng Maynila sa pangunguna nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Moreno, at Vice Mayor Honey Lacuna ang Mobile Serology Testing Clinic sa mga barangay bilang tugon sa pagdami ng mga nahahawa ng COVID-19. Tinawag ito ni Mayor Isko na saturation drive laban sa COVID-19, pagkatapos buksan ang dalawang clinic sa Velasquez St., sa Tondo at sa Pandacan. (BONG SON)

Mobile Serology Testing laban sa COVID-19, inilunsad sa Maynila

INILUNSAD na rin sa lungsod ng Maynila ang kauna-unahang Mobile Serology Testing na magagamit sa tulot-tuloy na mass testing program ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Pinangunahan ito ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa Barangay 836, Zone 91 sa Pandacan at sa Barangay 97, Zone 8 sa Tondo, Maynila.

Ang nasabing Mobile Serology Testing ay mag-iikot sa buong Maynila upang hanapin ang mga COVID patient o carrier.

Sinabi ng alkalde na balewala ang dami ng bed capacity at mga quarantine facility na itinayo ng pamahalaang lungsod kung hindi naman makikiisa ang mga Manilenyo.

Pinasalamatan ni Mayor Isko si Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Dir.

Arnel Angeles dahil sa kaniyang pagsisikap sa pagtatayo ng mga drive-thru at  walk-in  testing centers gayundin sa pagsasaayos ng Mobile Serology Testing Clinic. (VV)

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil

Lagnat, ubo, at sipon tatlong araw lang sa FGO Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po si …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

Insect bites at peklat ‘walang sinabi’sa Krystall Herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,             Ako po …

Loiegie Dano Tejada

CEO & president ng Ms L’s Beauty and Wellness artistahin

MATABILni John Fontanilla ARTISTAHIN ang CEO & President ng napakatagumpay na negosyo na Ms L’s Beauty …

Alma Concepcion Rhea Tan Beautederm

Alma Concepcion proud user, seller, at ambassador ng Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Alma Concepcion na proud siya sa mga produkto …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Ubo’t sipon ngayong taglamig, Omicron ba?

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong NITONG mga nakalipas na araw, sandamakmak ang nilalagnat, …

Leave a Reply