Monday , October 2 2023

Stand-up comedians nagbuo ng online show para ipantulong sa mga staff ng comedy bar

BAGO naging artista, isa munang stand-up comedian si Vice Ganda. Napapanood siya rati sa mga comedy bar na Lafflne at Punchline. Kaya naman sobrang ikinalungkot niya ang balitang nagsara na ang dalawang  comedy bar, na pinagtrabahuhan niya.

 

Pero bago pa ito nauna nang nagsara noong June 29 ang dalawang comedy bars na pagmamay-ari ni Allan K, ang Zirkoh at Klownz.

 

Sa show nilang It’s Showtime noong Friday, inihayag ng komedyante ang kanyang saloobin tungkol ditto.

 

Sabi niya, “Alam mo talaga, nakakalungkot sa sitwasyon ngayon, walang choice ‘yung mga comedy bar kung hindi magsara. ‘Yung Zirkoh, ‘yung Klownz nagsara na. ‘Yung Punchline at Laffline, nagsara na. Ang daming komedyante ang nawalan ng trabaho.”

 

Nakakuwentuhan kasi ni Vice sa segment ng kanilang show na Super Fiestar ang isang stand-up comedian na galing sa Music Box.

Ang Music Box ang kauna-unahang comedy bar sa bansa. Rito nagsimula sina Ai Ai delas Alas at Arnel Ignacio bago pinasok ang daigdig ng showbiz.

 

Patuloy ni Vice, “At saka yung legacy ng comedy bar, parang ‘di ko ma-imagine na mawala na totally ang comedy bars sa lipunan. Kaya buti na lang may Music Box pa. Sana, eventually, ‘pag maayos-ayos, makakapag-operate na uli ang Music Box. ‘Yan ang ano, pioneer ng comedy bars.”

 

Ayon pa sa Unkaboggable Star, sa kabila ng enforced quarantine, gumagawa pa rin ng paraan ang stand-up comedians at sing-along masters na makapagpaligaya sa kanilang mga tagahanga at tagasubaybay. Sa online muna nagpapatawa ang mga ito at naging guest pa nga siya sa isa sa mga session nito.

 

“Kahit ‘yung mga bakla sa Zirkoh, mayroon silang ginawang Zirkohvery Channel. Nag-guest nga ako roon, sabi ko, nagpapasalamat nga ako sa kanila kasi maganda ‘yung ginagawa nila. Hindi man sila kumikita na katulad niyong dati, serbisyo ‘yun, eh, ‘yung pinatatawa nila ‘yung viewers online. Malaking bagay ‘yun ngayon na makapagbigay ka ng ngiti. Mayroon silang mga nakokolektang mga donation, pero hinahati-hati nila ‘yun para maitulong sa staff ng comedy bar—‘yung mga waiter, ‘yung nasa valet, ‘yung mga cook. Kasi ‘yan, lahat ‘yan ay wala na. Wala naman silang mga online show, kaya ‘yung mga bakla, tumutulong para mabigyan nila ng ayuda ang ibang staff.”

 

Masuwerte si Vice at naging artista siya at sumikat. Kung nagkataon na nananatili pa rin siyang stand-up comedian, wala na rin siyang pagkakakitaan ngayon, ‘di ba? Suggestion lang namin, since mayaman na naman siya, sana magbigay siya ng financial assistance sa mga nakasama niya noon sa comedy bars.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Carla Abellana Marian Rivera Maine Mendoza Pilo Pascual

Piolo, Maine, Marian gustong makatrabaho ni Carla

COOL JOE!ni Joe Barrameda BONGGA ang pag-welcome ng All Access to Artist kay Carla Abellana na maging isa sa …

Bong Revilla

Birthday party ni Bong pinutakti ng mga politiko at artista

COOL JOE!ni Joe Barrameda BONGGA ang birthday celebration ni Sen Bong Revilla sa Grand Ballroonm ng Okada …

Carla Abellana All Access to Artists AAA 2

Tom handang harapin ni Carla — Hindi naman ako parang magpa-panic or matatakot 

RATED Rni Rommel Gonzales DERETSAHANG sinagot ni Carla Abellana ang mga tanong sa kanya tungkol sa dating …

Sikat na loveteam ‘di pa man umaamin hiwalay na

MA at PAni Rommel Placente TOTOO kaya itong nakarating sa amin na umano’y hiwalay na …

Dennis Trillo Bea Alonzo

Dennis sa ‘what ifs’ sa kanyang buhay

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL tungkol sa “what ifs” ang Love Before Sunrise nina Dennis Trillo at Bea Alonzo natanong si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *